MABILOG AGAW-EKSENA SA KAMARA, DUTERTE BINIRA

AGAW-EKSENA si dating Iloilo City mayor Jed Mabilog sa kanyang pagharap sa House Quad Committee kahapon kung saan binatikos niya si dating pangulong Rodrigo Duterte. Nakatakda sanang talakayin ng House Quad Comm ang operasyon ng ilegal na POGO sa bansa ngunit biglang sumipot si Mabilog sa pagdinig at humingi ng ilang minuto para basahin ang kanyang salaysay. Binigyan ni Committee Chairperson Ace Barbers si Mabilog ng ilang minuto ngunit inabot din ng halos 20 minuto ang kanyang pahayag. Nagamit din ang oras ng Komite sa pagtatanong kay Mabilog kahit wala…

Read More

PANELO KINUWESTYON MALUHONG PAMUMUHAY NI REP. QUIMBO

KINUWESTYON ni dating presidential spokesperson at abogado na si Salvador Panelo kung paano natutustusan ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ang kanyang maluhong pamumuhay, gayong isa lang siyang dating guro bago naging mambabatas. Ginawa ni Panelo ang pahayag matapos kumalat sa social media ang mga larawan ni Quimbo na may suot na mamahaling alahas at branded na mga bag na milyun-milyong piso ang halaga tuwing may pagdinig o sesyon ang Kamara. “Iyong necklace, nakita ko sa social media, I forgot the name of the brand, pinalabas ang parehong necklace.…

Read More

FIRST MONORAIL SYSTEM, RECLAMATION PROJECT IBINIDA NG PRA

UNTI-UNTI nang tinutupad ng Philippine Reclamation Authority (PRA) ang mga adhikain ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa paglago ng ekonomiya at sa transportasyon sa bansa. Sa ginanap na Transport and Logistics Forum 2024, ibinida ni PRA Chairman Alex Lopez ang kauna-unahang Monorail system at reclamation project sa Manila Bay partikular sa lungsod ng Pasay na inaasahang magiging bagong tahanan ng nasa mahigit dalawampung hotels at iba pang commercials establishments. Ayon pa kay Lopez, dito rin itatayo ang magiging opisina ng PRA at ang sinasabing legacy infra project ng Marcos…

Read More

SPOILED BRAT VP?

RAPIDO NI PATRICK TULFO MARAMI ang nagtaas ng kilay sa tila pagpa-power trip umano ni Vice President Sara Duterte sa pagdalo nito sa pagdinig sa Kongreso kaugnay sa kanyang 2025 OVP Budget. Sa una pa lang ay nagpakita na ng pagkabrusko si Madam VP nang sabihin niyang hindi siya manunumpa dahil hindi naman umano siya isang witness bagkus ay isang resource person. Hindi rin naman pinilit ng mga kongresista na patayuin si Madam VP dahil ayon kay Cong. Joel Chua, siyang chairman ng House Committee on Good Government and Public…

Read More

BOLADAS LANG ATA PAGBABA NG PRESYO NG BIGAS

CLICKBAIT ni JO BARLIZO POSIBLENG maramdaman ang malaking pagbaba ng presyo ng bigas. Magandang balita ah. Pero, hindi ngayong buwan o sa natitirang mga buwan ng kasalukuyang taon. Sa Enero 2025 pa raw ang inaasahang malaking bagsak presyo, ayon sa Department of Agriculture. Susme, magandang pasakalye na sana ito para sa medyo maalwang ber months. Kaya, makuntento na muna at tanggapin ang inaasahan ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na magsisimulang bumaba ang presyo ng bigas sa mga pamilihan sa susunod na buwan. Tantiya ng mga economic manager, maaaring…

Read More

IBA’T IBANG TULONG AT SUPORTA PINAULAN NI GOV. HELEN TAN

TARGET COLUMN NI KA REX CAYANONG SA patuloy na pagsisikap na mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat mamamayan, isang taos-pusong pasasalamat ang ipinarating ni Gov. Helen Tan kay Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang walang kapantay na kontribusyon sa lalawigan ng Quezon. Aba’y sa tulong ng kanyang administrasyon, natanggap ng lalawigan ang mahigit P15 milyong halaga ng agricultural inputs para sa ating mga magsasaka, 56 na fiberglass boats para sa ating mga mangingisda, at livelihood projects para sa kababaihan at mga magsasaka. Isang patunay ito na ang gobyerno ay tunay…

Read More

LAGANAP KAHIRAPAN PERO MGA POLITIKO, PURO PAMUMULITIKA

PATULOY na tumataas ang presyo ng mga bilihin subalit hindi umaangat ang kabuhayan ng nakararami. Ang masaklap, sa gitna ng nagdudumilat na kahirapan sa bansa ay nakatutok ang mga nasa poder sa pamumulitika. Inuuna ang kanilang mga interes sa halip pagtuunan ng pansin ang pagtugon kung paano matugunan ang pangangailangan ng mamamayan na kabilang sa kanilang mandato. Hindi natin inilagay sa posisyon ang mga politiko para mamulitika, payamanin ang kanilang mga bulsa at palaganapin ang kanilang impluwensya. Subalit, iyan ang nangyayari. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin ay…

Read More