PAGHUPA ng Bagyong Kristine sa Bicol noong Sabado, kaagad nagtungo sa Naga City si TV host at ngayo’y senatorial candidate Willie Revillame kasama ang Manila Teachers Party-list para magpaabot ng tulong sa mga biktima ng bagyo roon. Personal na inabot ni Revillame ang P3 milyong tseke kay Angat Buhay Foundation Chairman at dating Vice President Leni Robredo sa kanyang tanggapan. Ayon sa TV host, “kasagsagan ng bagyo sa Bicol nang magdesisyon kami ng Manila Teachers Party-list na mag-ambag kami para sa mga kababayan natin sa Bicolandia”. “Taga-Naga City po ang…
Read MoreDay: October 27, 2024
Ikinabahala ng mga residente PUNDASYON NG TULAY SA QUEZON GUMUGUHO
Makikita sa larawan ang pagguho ng mga lupa sa mismong pinagpapatungan ng isa sa dalawang poste sa ilalim ng Lagnas bridge. SARIAYA, Quezon — Nababalisa ngayon ang maraming residente at motorista dahil sa unti-unting pagguho ng lupang kinatitirikan ng mga bored piles o poste sa ilalim ng Lagnas bridge 1, sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Sampaloc 2 sa bayang ito. Napuna ito ng mga residente matapos ang pananalasa ng Bagyong Kritine. Ang Lagnas bridge ay bahagi ng nasabing highway na nagsisilbing pangunahing daan sa pagitan ng National Capital…
Read More9 BAYAN SA CAMSUR LUBOG PA SA BAHA
NAKALUBOG pa rin sa baha ang siyam na bayan sa Camarines Sur dulot ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine. “So, in CamSur right now as of about one hour, of the 36 towns, nine towns are still fully submerged. Around six towns are partially submerged,” ibinalita ni Pangulong Bongbong Marcos. ”But the province has been very, very quick in distributing house-to-house food distribution and every area has already been reached. And we are augmenting the provinces’ food supplies so that patuloy ang ating relief,” aniya pa. Ang pagbabyahe sa…
Read MoreMatapos mahuli ang CPP-NPA chairman 2 PANG RANKING TERRORIST LEADERS HULI NG MILITAR
MATAPOS madakip ng Philippine Army 2nd Infantry Division, katuwang ang PNP, ang chairman ng Communist Party of the Philippines –New People’s Army, dalawang top-ranking terrorist leaders ang nadakip sa ikinasang law enforcement operation sa Barangay Valenzuela, Makati City. Ayon sa ulat na isinumite ng 2ID sa tanggapan ni Phil. Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido, apat na araw matapos nilang maaresto si CPP Chairman Baylon Villarico, ang pinakamataas na pinuno ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Southern Tagalog Region, ay nadakip naman nila sina Gavino…
Read MoreEx-gov at peace advocate kinondena ang paggambala sa kapayapaan sa BARMM
HINILING ni dating Maguindanao Governor Esmael ‘Toto’ Mangudadatu ang Malacañang na manatiling matatag sa gitna ng paggambala sa kapayapaan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ng kanya umanong mga kaanak na naghangad ng electoral dominance sa rehiyon sa darating na 2025 local elections. Ang paggambala sa kapayapaan, ayon sa unity advocate at ex-governor ng Maguindanao, ay sa dahilan ding hindi napagbigyan ang kanyang mga pinsan sa appointment bilang chief minister ng BARMM. Sa isang video message, kinilala ni Toto Mangudadatu ang kanyang mga kaanak na tinatarget umano ang top…
Read More