IGINIIT ni Senador JV Ejercito na napapanahon nang palitan ng pinuno ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth at balasahin ang mga opisyal nito. Sa gitna ito ng pag-amin ng senador na labis ang kanyang pagkadismaya sa ahensya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin lubusang maramdaman ng taumbayan ang benepisyo ng Universal Health Care Law na limang taon nang ipinatutupad. Kasabay nito, kinumpirma ni Ejercito na nagpaalam na siya kay Senador Pia Cayetano, ang vice chairman ng Senate Finance committee na magdidepensa sa panukalang budget ng Department of Health…
Read MoreDay: November 10, 2024
LUMOLOBONG UTANG NG GOBYERNO NAKABABAHALA
(DANG SAMSON-GARCIA) AMINADO si Senate Minority Leader Koko Pimentel na nababahala na siya sa lumolobong utang ng bansa. Subalit sa kabila anya nito ay hindi nakikitaan ng pag-aalala ang economic managers at naggiit na kayang-kayang bayaran ng bansa ang utang na umaabot na sa P15.18 trillion. Binigyang-diin ni Pimentel na ang nangyayari kada taon ay sobra-sobra ang inilalaang pondo para sa gastusin kumpara sa inaasahang papasok na kita. “Nakakatakot para sa akin kasi kada piso, o let say kada P100 na kita ng gobyerno, siguro P15 to P20 ang binabayad…
Read MoreTULONG IPINAABOT NG DIGITAL ENTERTAINMENT COMPANY SA MGA SINALANTA NG BAGYONG KRISTINE SA BATANGAS
PERSONAL na inihatid nina First Lady Liza Araneta-Marcos at Mr. Eusebio Tanco ng BingoPlus Foundation ang malaking tulong sa mga naapektuhan ng nakaraang bagyong Kristine sa Talisay, Batangas. Bitbit ang mga ayuda tulad ng relief packs, gamot at cash aid ay tinanggap ng mga residente at lokal na pamahalaan ng Talisay Batangas ang tulong mula sa Unang Ginang at BingoPlus Foundation. Sinaksihan nina Batangas Gov. Hermilando Mandanas, Vice Gov. Mark Leviste, DSWD Sec. Rex Gatchalian, Bacolod City Mayor Albee Benitez at iba pang opisyal ang paghahatid ng tulong sa mga…
Read MoreSUBDIVISION, CONDO SUSUYURIN SA POGO
(CHRISTIAN DALE) INATASAN ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na tulungan ang Technical Working Groups (TWGs) sa Anti-Illegal Offshore Gaming Operations sa pagtiyak ng kooperasyon ng homeowners associations para masiguro na walang POGO/IGL at iba pang offshore gaming operations at services sa mga subdivision, condominium at iba pang real estate developments. Nauna nang tinukoy ng Palasyo ang panganib na dala ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa. Kaya naman nagpalabas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Executive Order No. 74, pagpapatupad ng agarang…
Read MoreConsumers hindi napoprotektahan SIMREG LAW INUTIL SA SCAMMERS
(BERNARD TAGUINOD) PINATUNAYAN na walang silbi ang SIM Card Registration Act para protektahan ang consumers laban sa scammers at manloloko sa gitna ng nangyaring system error ng isang mobile payment service provider. Kaya naman naniniwala ang isang mambabatas sa Kamara na kailangan amyendahan ang nasabing batas. Kasabay nito, iginiit ni House assistant minority leader Arlene Brosas na hindi dapat ipagkibit-balikat lamang ng gobyerno ang karanasan ng GCash users na nawalan ng pera matapos umanong magkaroon ng problema sa nasabing mobile payment service provider. “We demand GCash to immediately return the…
Read MoreDAGDAG TRABAHO, ASAHAN SA PAGLAGDA CREATE MORE ACT
ASAHAN ang dagdag na trabaho sa pagdagsa ng mga investor sa bansa sa sandaling malagdaan na ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act. Ito ang iginiit ni Senate President Francis Chiz Escudero sa gitna ng nakatakdang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa batas ngayong Lunes. Ang proposed CREATE MORE Act ay bahagi ng priority legislation ng administrasyon na naglalayong mapalago ang ekonomiya ng bansa. Inaamyendahan ng panukala ang Republic Act 11534 o ang original CREATE Act na binalangkas…
Read MoreHamon Kay Du30: Magpakalalaki Ka!
Samantala, hinamon ng dalawang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si dating pangulong Rodrigo Duterte na magpakalalaki at dumalo sa pagdinig ng Quad Committee kung talagang seryoso ito sa kanyang banta na sisipain ang dalawang miyembro ng komite. “With all due respect Mr. FPRRD, don’t make any more excuses in not attending our hearings. Please make sure to be around on Wednesday, so that you can make true your threat to kick congressmen as you have repeatedly warned,” ani Zambales Rep. Jay Khonghun. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos bantaan…
Read MoreQUADCOM SA MGA TAUHAN NI VP SARA: DUMALO O ARESTO?
IPINARATING ang mensaheng ito ng House committee on Good Government and Public Accountability sa mga tauhan ni Vice President Sara Duterte kapag muling inisnab ang imbitasyon sa kanila. Sa araw na ito ay ipagpapatuloy ng nasabing komite na pinamumunuan ni Manila Rep. Joel Chua ang imbestigasyon sa umano’y maling paggamit sa P612.5 million confidential funds ng OVP at Department of Education (DepEd) sa ilalim ng bise presidente. Sa nakaraang pagdinig ng komite, inisyuhan ng subpoena ang mga tauhan ni Duterte na sina Undersecretary Zuleika Lopez, chief of staff ng OVP;…
Read MoreLIVE-IN PARTNERS PATAY SA PATALIM AT MARTILYO
KAPWA namatay ang live-in partners makaraang saksakin at paluin ng martilyo sa loob ng kanilang bahay sa Sta. Ana Manila noong Sabado ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Elenita De Luna, 56, at Rodrigo Belocora, 68, kapwa residente sa naturang lugar. Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, nadiskubreng patay na ang dalawa sa loob ng kanilang bahay dakong alas-6:40 ng umaga. Habang nakatakas naman ang umano’y suspek sa krimen na si Vanjo Tullalian, 32, at isa pang kasama nito.…
Read More