6M PRINTED BALLOTS NG COMELEC NASAYANG

(JOCELYN DOMENDEN)

MAGDARAGDAG ang Commission on Elections (Comelec) ng makina para mapabilis ang pag-imprenta ng mga balota para sa midterm election matapos masayang ang anim na milyong naimprenta dahil sa desisyon ng Korte Suprema na isama ang pangalan ng mga idineklarang nuisance candidates.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kailangan nilang matapos ang pag-iimprenta ng balota hanggang Abril 14.

Pangamba lamang ng komisyon na baka may panibagong TRO na ilalabas ang Korte Suprema sa mga susunod na araw dahil may mga nakabinbin pang mga petisyon sa kanila.

Sinimulan na rin ng Comelec ang pagbabago sa ilang bahagi ng kanilang database system para maisama ang pangalan ng mga naideklara na nuisance.

Sa kabila nito, tiniyak ni Garcia na hindi maapektuhan ang araw ng halalan sa naging desisyon na Korte Suprema.

Mock Elections Ni-reset

Samantala, iniurong sa Enero 25 ang mock elections kasunod ng temporary restraining order ng Korte Suprema laban sa diskwalipikasyon ng ilang aspirante.

Ayon sa Comelec chairman, umaasa silang natapos na ang mga babaguhing database election management system at pagse-serialize ng mga pangalan ng mga kandidato pati ang pagbabago ng mahigit 1,000 ballot faces sa buong bansa.

Nitong Martes, sinuspinde ng Comelec ang imprenta ng mga balota matapos maglabas ng desisyon ang Korte Suprema na nagpapatigil sa poll body sa diskwalipikasyon ng limang aspirants sa 2025 national at local elections.

Bukod sa mga balota at mock elections, gumawa ang Comelec ng mga pagsasaayos sa database ng mga kandidato, election management system (EMS), automated counting machine (ACM), at consolidation and canvassing system (CCS).

Nakabuo ang Comelec ng 1,667 ballot face templates na sumasalamin sa desisyon ng SC, gumawa ng imbentaryo ng lahat ng nakalimbag na balota, at nagsagawa ng pag-aaral kung ang mga pagbabago sa EMS ay nangangailangan ng isa pang Trust Build.

Bukod dito, kinansela rin ng Comelec ang live test para sa pinagkakatiwalaang build ng online voting and counting system (OVCS).

73

Related posts

Leave a Comment