HINDI dapat maliitin ninoman ang 1.8 milyong miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na nagsagawa ng rally nitong Enero 13 sa Quirino Grandstand. Ito ang sagot ni dating presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo kaugnay sa ipinahayag ni ACT Teachers Partylist Congresswoman France Castro sa lingguhang ‘The Agenda’ media forum sa Club Filipino sa San Juan City kahapon ng umaga. Sinabi kasi ni Castro na ang nasabing rally ay hindi sentimyento ng mayorya ng sambayanang Pilipino dahil ayon sa mambabatas, 41% ang sumusuporta sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.…
Read MoreMonth: January 2025
P97-M SHABU NASABAT SA 2 SOUTH AFRICANS
NASA 14 kilo ng methamphetamine hydrochloride o mas kilala sa tawag na shabu, na tinatayang P97 milyon ang halaga, ang nasabat sa dalawang South African nationals nitong Biyernes ng madaling araw sa isinagawang joint operation sa NAIA Terminal 3. Ang joint anti-narcotics operation ay isinagawa ng NAIA International Airport Drug Interdiction Task Group (IADITG), katuwang ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency matapos madiskubre ng Bureau of Customs x-ray inspector ang kahina-hinalang laman ng mga bagahe na dala ng mga suspek. Nabatid matapos na dumaan sa X-Ray examination ay…
Read More2 ARMADO INARESTO SA TAGAYAN
INARESTO ang dalawang lalaki habang nakikipag-inuman makaraang makumpiskahan ng baril sa isinagawang anti-criminality operation ng mga tauhan ng Manila Police District – Baseco Police Station 13 sa Block 5, Aplaya, Baseco Compound, Port Area, Manila noong Miyerkoles ng madaling araw Kinilala ang mga inaresto na sina alyas “Bumbay”, 31, at alyas “Robin”, 36, sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 in relation to BP881 (Omnibus Election Code), BP 6, at Sec. 11, Art. 2 ng Republic Act 9165. Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Voltaire Yap kay Police…
Read More3 TOP MWPs SA QC, TIMBOG
INIHAYAG ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamumuno ni PCol. Melecio M. Buslig, Jr., ang pag-aresto sa tatlong station level-most wanted persons sa bisa ng warrants of arrest noong Enero 14, 2025. Ayon sa ulat, inaresto ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa ilalim ng PMAJ Don Don M. LLapitan, kasama ng mga tauhan ng Holy Spirit Police Station (PS 14), ang No. 7 MWP ng PS 14 na kinilalang si Rommel Francisco, 47, bandang alas-5:30 ng hapon sa kanyang tirahan. Nabatid na si Francisco ay may nakabinbing…
Read More30 BAHAY NATUPOK SA KANDILA SA MAYNILA
NAWALAN ng tirahan ang tinatayang 500 pamilya makaraang matupok sa sunog ang 30 kabahayan dahil sa napabayaang may sinding kandila sa Sampaloc, Manila nitong Huwebes ng madaling araw. Umabot sa ika-4 na alarma ang sunog sa Sulucan St., Barangay 458 sa Sampaloc, Manila, ayon sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection. Ayon sa isang barangay kagawad, isang bata ang nakitang dala-dala ang isang nakasinding kandila bago sumiklab ang sunog. Isang residente ang nasugatan sa insidente habang walang naisalbang mga gamit ang karamihan sa kanila. Nabatid sa…
Read More18 PAMILYA NAWALAN NG TIRAHAN SA SUNOG
CAVITE – Umabot sa 18 pamilya ang nawalan ng tirahan nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa nangyaring sunog sa Dasmariñas City, noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa ulat ng Dasmariñas Bureau of Fire Protection (BFP), bandang alas-8:30 ng umaga nang nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng isang bahay sa Blk. 209, Excess Lot, Pasalay Phase V, Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City. Mabilis na naglagablab ang apoy hanggang sa madamay ang katabing mga bahay na halos pawang yari sa light materials, at tuluyang naabo ang 13 pang kabahayan.…
Read MoreSEKYU PATAY SA PINAGLARUANG BARIL NG KA-BUDDY
LAGUNA – Patay ang isang 18-anyos na security guard matapos tamaan ng bala sa noo nang aksidenteng pumutok ang baril na kanilang pinaglaruan sa guard house ng kanilang binabantayang subdivision sa Barangay Banay-Banay, Cabuyao City noong Miyerkoles ng hapon. Ayon sa imbestigasyon ng Cabuyao City Police, bandang ala-1:00 ng hapon, magkasamang naka-duty ang biktimang si Elmer Calvadorez at ang suspek na si alyas “Christian”, 24, sa gate ng Grand Acacia Grove Subdivision, nang laruin umano ng mga ito ang isang caliber .38 revolver. Sa hindi inaasahang pagkakataon, pumutok ang baril…
Read MoreSENIOR PATAY SA PALO NG TUBO DAHIL SA BASURA
RIZAL – Patay ang isang 75-anyos na lalaki matapos umanong hampasin ng tubo sa ulo ng kanyang kapitbahay noong Miyerkoles ng umaga sa Brgy. Sta. Ana, sa bayan ng Taytay, sa lalawigan. Kinilala ni PCol. Felipe Maraggun, Provincial Director ng Rizal PNP, ang biktimang si alyas “Domingo,” habang ang suspek ay kinilala namang si alyas “Romy,” 50-anyos. Nabatid sa imbestigasyon, bandang alas-4:00 ng umaga, nakita ng isang testigo ang suspek na armado ng metal pipe at walang habas na pinagpapalo sa ulo ang biktima dahilan upang humandusay ito at namatay.…
Read MoreMAHIGIT P3-M CELLPHONES NILIMAS SA GADGET STORE
CAVITE – Tinutugis ng pulisya ang anim na kalalakihang tumangay ng tinatayang mahigit sa P3 milyong halaga ng cellphones at gadgets mula sa isang tindahan sa Bacoor City noong Miyerkoles ng umaga. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek na tumakas matapos looban ang isang gadget store, lulan ng isang puting motorsiklong Bukyo. Ayon sa ulat, bandang alas-7:25 ng umaga, nang dumating ang isa sa staff ng tindahan na General Merchandise sa Molino Road, Brgy. Molino 3, Bacoor City, napansin nito ang isang speaker na nasa labas ng tindahan. Kasunod…
Read More