HINDI papayagang makabiyahe ang mga unconsolidated passenger vehicle habang pinag-aaralan pa ng binuong komite ni Transportation Secretary Vince Dizon ang PUV (public utility vehicle) Modernization program. Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) spokesperson Atty. Ariel Inton, sa ngayon ay patuloy na pinag-aaralan ng komite ang PUV modernization para higit na mapaganda ang implementasyon ng naturang programa. Sa ginanap na QC Journalist forum, nabatid kay Inton na sa kasalukuyan ay mahigit 40 porsyento pa lamang nang may higit 80 porsyentong nag-apply sa PUV consolidation ang naaprubahan ng LTFRB.…
Read MoreDay: April 9, 2025
Sa Araw ng Kagitingan BENEPISYO PARA SA NAMATAY NA MGA SUNDALO, PINAMAMADALI
PINAMAMADALI ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagkakaloob ng nakalaang mga benepisyo para sa pamilya ng mga sundalong nasawi habang tumutugon sa kanilang tungkulin. Ipinahayag ito ni Pangulong Marcos sa harapan ng mga benepisyaryo ng Comprehensive Social Benefits Program kahapon sa punong himpilan ng Armed Forces of the Philippines sa Camp Aguinaldo sa Quezon City kahapon kaugnay sa paggunita ng Araw ng Kagitingan. Matapos na pangunahan ang Day of Valor rites sa Bataan nitong Miyerkoles ng umaga, tumuloy at pinangungunahan din ni Pangulong Marcos ang seremonya sa Camp Aguinaldo…
Read MoreDILG TODO SUPORTA SA REACTIVATION NG PNP MEDIA SECURITY VANGUARDS
TODO ang suporta ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa reactivation ng PNP Media Security Vanguards, isang pagsisikap ng pamahalaan para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga kasapi ng media lalo na ngayong papalapit na May 2025 midterm elections. “As vital players in shaping the nation’s future, they [media] help the public make informed decisions by fact-checking, influencing public opinion, and holding politicians and candidates accountable. However, this critical role also exposes them to significant risks that could endanger their lives,” pahayag ni DILG Undersecretary Rolando…
Read MorePCG-QUEZON SINANAY NG BJMP SA TAMANG PAGKUSTODIYA NG DETAINEES
PINALAKAS ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) da Candelaria District Jail ang kaalaman ng mga tauhan ng Coast Guard Station Southern Quezon sa tamang pamamaraan ng pag-kustodiya at seguridad ng mga detainee sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang comprehensive lecture sa mga ito. Ang pagsasanay, na ginanap nitong Martes sa tanggapan ng CGS Southern Quezon sa Barangay Dalahican sa Lucena City, ay naglayong mapahusay ang kakayahan ng mga personnel ng Coast Guard sa pangangasiwa ng mga custodial facility habang tinitiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga indibidwal na…
Read More2 SAKAY NG MOTORSIKLO NIRATRAT, PATAY
BULACAN – Patay ang magka-angkas na lalaki at babae sa isang motorsiklo matapos pagbabarilin ng isang lalaking sakay rin ng motorsiklo sa Barangay Lambakin, sa bayan ng Marilao sa lalawigan noong Martes ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang isa mga biktima na si alyas “Edwin”, residente ng Northville 4B, Barangay Lambakin, Marilao, Bulacan habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng babaeng namatay na nasa edad 20. Base inisyal na report, nangyari ang pamamaslang bandang alas-12:00 ng madaling araw, ilang metro lang ang layo mula sa bahay ng lalaking biktima. Nabatid…
Read MoreFAKE NEWS MAITUTURING NANG KRISIS – SOLON
MALA-KRISIS na ang turing ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan sa mabilis na paglaganap ng mga fake news, misinformation at disinformation na isa na umanong banta sa demokratikong pundasyon ng bansa kaya dapat tugunan na sa lalong madaling panahon. Ito ang obserbasyon ni Surigao del Sur representative Johnny Pimentel na vice chair ng House Committee on Information and Communications Technology sa pagdinig ng House Tri-Committee nitong nakaraang Martes, Abril 8, 2025. “We will continue our exploration of the multi-dimensional aspects of this crisis, examining the roles of social media platforms,…
Read MoreBALASAHAN SA PNP: GEN. IBAY ACTING CHIEF NG NEGROS ISLAND
INANUNSYO ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang pagtatalaga kay Brig. Gen. Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay bilang acting chief ng Police Regional Office (PRO) Negros Island Region. Sa utos na may petsang Abril 8, na isinapubliko noong Miyerkoles, epektibo ang reshuffle ngayong Huwebes. Itinalaga namang officer in charge si Brig. Gen. Benigno Guzman, ng Manila Police District (MPD) kapalit ni Gen. Ibay. Habang si PCol. Aladdin Collado Baldeo ay itinalaga bilang officer in charge ng Office of Executive Assistant Office ng Chief PNP. Hinimok ni Marbil ang mga…
Read MoreMOCHA KINALAMPAG NG COMELEC SA MALASWANG CAMPAIGN JINGLE
NAKIPAG-UGNAYAN ang Commission on Elections (Comelec) kay Manila City Councilor bet Margaux “Mocha” Uson dahil sa kanyang ‘sexually suggestive’ campaign jingle. Sa isang liham kay Uson na nilagdaan ni Comelec George Garcia, sinabi ng poll body na bagama’t ang mga political campaign ay kadalasang naglalayong makuha ang atensyon at hikayatin ang mga botante, dapat matutumbok ang mga mensahe nang direkta sa punto. Ang tinutukoy ng Comelec na campaign jingle ni Uson ay ang “Cookie ni Mocha, ang sarap sarap” at “Ang cookie ni Mocha, bawat kagat, may malasakit at saya.”…
Read MorePINOY TEACHERS ALAGAAN SA EDUKASYON, TRAINING – MAYOR ABBY
NANINIWALA si senatorial candidate at Makati Mayor Abby Binay na dapat pondohan ng gobyerno ang tuloy-tuloy na edukasyon at pagsasanay ng mga guro para mas gumaling sila sa pagtuturo at makasabay sa mabilis na pagbabago ng panahon. “Ang bilis ng pag-usad ng teknolohiya ngayon. Hindi pwedeng maiwan ang mga guro natin, kasi kapag sila’y napag-iwanan, damay rin ang kanilang mga estudyante,” sabi ni Binay. Gaya ng mga abogado na tuloy pa rin sa pag-aaral habang nagtatrabaho, kanyang sinabi na dapat na ganito rin ang mga guro – patuloy sa pagpapalawak…
Read More