AMYENDA SA MOTORCYCLE CRIME PREVENTION ACT

EDITORIAL  NILAGDAAN ni President Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nag-amyenda sa Motorcycle Crime Prevention Act na nag-aatas sa mga bagong may-ari na mailipat ang rehistro sa loob ng 20 working days. Nakasaad din sa batas na inuutusan ang may-ari na i-report ang bentahan sa Land Transportation Office (LTO) sa loob ng limang araw. Inamyendahan din ang Section 5 ng batas na inaatasan ang LTO na mag-isyu ng mas malaki, readable at color-coded na plaka para sa mga motorsiklo. Ang drivers na walang number plate o readable number plate ay…

Read More

MAGANDANG BALITA PARA SA MGA KONSYUMER

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO KAPAG ganitong panahon ng tag-init, tipikal na sumisipa talaga ang konsumo natin sa kuryente kaya kung limitado lang ang budget para sa bill, talaga namang kailangang maging madiskarte sa pagtitipid. Kaya magandang balita itong inanunsyo ng Meralco nito lang nakaraang linggo na mayroong malaking bawas-singil sa kuryente. Ayon sa distribyutor ng kuryente sa Metro Manila at mga karatig na lugar kagaya ng Rizal, Bulacan, Cavite — magkakaroon ng 75 centavos kada kilowatt-hour (kWh) na tapyas sa rate. Dahil mahigit 500 kWh ang konsumo ko buwan-buwan,…

Read More

IBABA PRESYO NG BILIHIN, SAHOD ITAAS

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NALASAP na ba sa inyong lugar ang P20/kilong bigas? Malinis at makakain nga ang P20 kada kilo na binebentang bigas sa mga Kadiwa center. Pinilahan. Patok. Kinagat. Sumasalamin sa pangangailangan ng mahihirap. Kaso, marami ang nadismaya dahil naubusan. Nagtiyaga nga namang pumila. Pero hindi umabot sa cut-off ang ilang residenteng bibili sana ng tig-P20 kada kilong bigas. Kinakapos kahit inaalok lang ang programa sa mahinang sektor kabilang ang senior citizens, solo parents, at persons with disabilities. Hindi sapat kahit ang isang benepisyaryo ay maaari lang makabili…

Read More

TAGUMPAY NG TINGOG PARTY-LIST, TAGUMPAY NG MAMAMAYANG PILIPINO

TARGET ni KA REX CAYANONG ISANG malaking tagumpay para sa mga nasa laylayan ng lipunan ang pagkapanalo muli ng Tingog Party-list sa katatapos lamang na 2025 midterm elections. Aba, isa itong malinaw na patunay na pinakikinggan at pinahahalagahan ng sambayanan ang mga partidong tunay na naglilingkod at kumakatawan sa boses ng mga Pilipino—lalo na ng mga nasa rehiyon, probinsya, at mga komunidad na matagal nang naisantabi. Sa pangunguna ng kanilang kinatawan na si Cong. Jude Acidre, muling pinatunayan ng Tingog na ang mabisang pamumuno ay hindi kailangang mapuno ng ingay,…

Read More

MAY REKLAMO SA APPOINTEES NI MARCOS PINALALANTAD

HINIKAYAT ng isang miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointment (CA) ang sinoman na tutol sa appointees ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na lumantad na at ihain ang kanilang reklamo sa nasabing komisyon. Ginawa ni CA Assistant Minority Leader at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel dahil nakatakdang isalang ang appointment ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vivencio “Vince” Dizon II sa June 3. “The public is encouraged to submit to the CA secretariat any information, written reports, or sworn/notarized complaints regarding the appointees,” pahayag ni Pimentel. Si Dizon ay…

Read More

ROMUALDEZ BABANGGAIN NI BENITEZ SA SPEAKERSHIP?

HINDI magiging madali kay Tacloban CITY representative Martin Romualdez na makuha muli ang Speakership sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil magkakaroon umano ito ng kalaban sa nasabing posisyon. Sa kondisyong huwag pangalanan kapalit ang impormasyong ito, sinabi ng isang mapagkakatiwalaang impormante sa Kamara de Representante na posibleng lalabanan ni Bacolod City congressman Albee Benitez si Romualdez sa pagiging Speaker of the House. “Isa siya (Benitez) sa matunog na tumakbong Speaker sa 20th Congress,” pahayag ng impormante. Si Romualdez ang kasalukuyang lider ng 19th Congress na ang termino ay nakatakdang magtapos…

Read More

Tiangco pumiyok IMPEACHMENT NI VP SARA ‘NAGPABAGSAK’ SA ALYANSA

HINDI ang pagsuko ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) ang dahilan kung bakit nabigo ang Alyansa kundi ang pagpapa-impeach kay Vice President Sara Duterte. Ito ang pagtaya ng campaign manager ng Alyansa na si Navotas Rep. Toby Tiangco kaya limang senatorial candidate lamang ang naipanalo nila at bigong makaporma sa Mindanao na balwarte ng mga Duterte. “Kung hindi natin ginawa ‘yun (Impeachment) hindi ganito kasama (ang resulta ng halalan),” paliwanag ni Tiangco. Ayon kay Tiangco, maaaring isipin ng…

Read More

54 Female cadets pinapurihan KABABAIHAN HINIKAYAT NI PBBM NA UMANIB SA PMA

HINIKAYAT ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kababaihan na umanib sa Philippine Military Academy (PMA), ang pamosong military school ng Pilipinas, kasabay ng pagbibigay papuri sa 54 female graduates ng PMA Siklab-Laya Class of 2025. Si Pangulong Marcos na nagsilbing panauhing pandangal at guest speaker sa ginanap na graduation rites sa Fort Del Pilar sa Baguio City nitong nakalipas na linggo, ay nagpahayag ng kagalakan nang malaman nitong sa 266 na kasapi ng PMA Siklab-Laya Class 2025 na nagsipagtapos, 54 rito ay mga babae. “Ang mga kababaihang kadete…

Read More

2 BINARIL SA ALITAN SA PARKING

DALAWA katao ang sugatan makaraang barilin ng isang lalaki dahil sa alitan sa parking sa Barangay 103, Tondo, Manila noong Sabado ng umaga. Nahaharap ang 44-anyos na suspek na si Gregorio Tabago sa kasong frustrated murder at physical injury. Kinilala naman ang mga nasugatan si John Villanueva, 45, ng naturang lugar, at isang 20-anyos na dalaga. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Melvin Florida Jr., station commander, bandang alas-4:00 ng hapon ay nadakip ang suspek sa isinagawang follow-up operation sa tulong ni Police Major Adobis Sugui, ng Northern Police…

Read More