BUMOTO si Senador Alan Peter Cayetano nitong Lunes ng hapon sa Cipriano P. Sta. Teresa Elementary School sa Bagumbayan, Taguig City. Sa kasagsagan ng mainit na kampanya nitong mga nakaraang araw, paulit-ulit na hinikayat ni Cayetano ang mga Pilipino na pumili ng mga lider na may integridad at mananatili sa tabi ng taumbayan. (Danny Bacolod) 171
Read MoreMonth: May 2025
CAMILLE BUMOTO SA LAS PIÑAS
IPINAKITA ni senatorial candidate at House Deputy Speaker Camille Villar ang kanyang daliri na may indelible ink, patunay ng kanyang pagboto. Kahapon ay pumila ang batang Villar sa Las Piñas National Science High School bandang 11:30 ng umaga para bumoto. (Danny Bacolod) 176
Read MoreYAMSUAN BUMOTO SA TAHANAN VILLAGE
KASAMA ang maybahay na si Cathy, bumoto kahapon ng umaga si Congressman Brian Raymund Yamsuan sa Tahanan Village, BF Homes, Parañaque. Dumating si Yamsuan sa Tahanan Village Covered Court ng alas-nuebe ng umaga at nakaboto makalipas ang may 30 minuto sa Polling Precinct 512A. Bago bumoto ay dumalo muna sa misa sina Yamsuan, kanyang pamilya at ilang supporters sa Resurrection of Our Lady Parish (ROLP). Si Yamsuan ay tumatakbo ngayong halalan bilang kinatawan sa Kongreso ng Distrito Dos ng Parañaque City. (Danny Bacolod) 150
Read MoreARAW NG HALALAN
EDITORIAL NGAYON ang Araw ng Halalan. Mahigit 68 milyong Pilipinong botante ang inaasahang lalahok sa midterm election para punan ang mahigit 18,000 posisyon mula sa Senado, hanggang puwesto sa lokal, kabilang ang sa Bangsamoro region. Pinakamaraming bilang ng mga botante ang Calabarzon na may 9,714,079. Sumusunod ang mga rehiyon ng Region III, NCR, Region VII, at Region V. Pinakamalaki namang voting provinces ang Cebu, Cavite, Bulacan, Pangasinan, Laguna, Negros Occidental, Batangas, Pampanga, Rizal, at Iloilo. Naniniwala ang Commission on Elections (Comelec) na magiging mapayapa at maayos ang 2025 midterm elections.…
Read MorePAGKAKATAONG PUMILI NG MGA KARAPAT-DAPAT NA LIDER
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NARITO na naman ang panibagong pagkakataon nating mga Pilipino para tugunan ang ating tungkuling pumili ng mga lider na maglilingkod sa bayan at magdadala ng positibong pagbabago sa ating lipunan. Tutok na tutok ang mga ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, at pati na rin ang mga volunteer para sa mga paghahanda na magsisigurong magkakaroon ng maayos at payapang eleksyon. Halimbawa na lang itong sektor ng enerhiya kabilang ang Department of Energy at Meralco na walang patid sa paglalahad ng kahandaan para masigurong mayroong maayos na…
Read MoreTULOY ANG BENTE-BENTE
CLICKBAIT ni JO BARLIZO TULOY ang pagbebenta ng P20 kada kilo na bigas simula Mayo 13, isang araw matapos ang halalan. Ang pagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas ay inilunsad nitong Mayo 1 sa Cebu City, ngunit pinahinto muna dahil sa halalan. Ngayong Mayo 13, lumawak na ang lugar na magbebenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo at simula na itong ibebenta sa mga piling Kadiwa ng Pangulo center sa Metro Manila at mga karatig na probinsya. Ayan, pinangatawanan at pinanindigan ng administrasyong Marcos na hindi gimik pang-eleksyon…
Read MoreROAD SAFETY AT HEALTH EMERGENCY RESPONSE TEAMS, PINATITIYAK NA NAKAHANDA SA HALALAN
BINIGYANG-DIIN ni Senador Sherwin Gatchalian ang kahalagahan ng pagpapakalat ng road safety at health emergency response teams upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, lalo na habang nagsisibalikan ang mga Pilipino sa kanilang mga lalawigan upang bumoto. Ayon kay Gatchalian, inaasahan ang pagtaas ng dami ng mga sasakyan sa kalsada kasabay ng matinding init ng panahon, kaya’t napakahalaga ng presensya ng mga nasabing response teams. Ang mga ito anya ay dapat nakikipag-ugnayan nang mabuti sa mga tagapagpatupad ng batas at mga awtoridad sa trapiko upang matiyak ang maagap, organisado, at epektibong…
Read MoreCSC WINASTO KWALIPIKASYON NG HS GRADS NA PWEDE SA GOV’T SERVICE
IN-UPDATE ng Civil Service Commission (CSC) ang qualification standards para sa first-level government positions, pormal na pinapayagan ang mga high school graduate, kabilang na iyong nakakumpleto ng Junior High School (Grade 10) at Senior High School (Grade 12) under the K to 12 program, na makapasok sa government service. Ang pagbabago ay opisyal na ginawa sa pamamagitan ng CSC Resolution No. 2500229, ipinahayag noong March 6, 2025. Sa isang kalatas, araw ng Huwebes, Mayo 8, ipinaliwanag ng CSC na ang resolusyon na nagwawasto sa educational requirements para sa entry-level government…
Read MoreGibo sa Tsina: WALA SILANG PAKIALAM
KAMPO AGUINALDO, Lungsod Quezon — Matindi ang birada ni defense secretary Gilberto ‘Gibo’ Teodoro Jr. sa pagtutol ng Tsina sa pag-deploy ng iba’t ibang military asset ng Estados Unidos sa Pilipinas para ibasura ang sinasabing mga agam-agam ng Beijing ukol sa tensyong magreresulta rito sa South China Sea (SCS), partikular sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS). Una rito, tinutulan ng Tsina ang deployment sa bansa ng US-made na Mid-Range Capability (MRC) missile system, o ang bantog na Typhon launcher. Ayon sa Beijing, ang pag-apruba nito ay magbubunsod ng “geopolitical…
Read More