CSC WINASTO KWALIPIKASYON NG HS GRADS NA PWEDE SA GOV’T SERVICE

IN-UPDATE ng Civil Service Commission (CSC) ang qualification standards para sa first-level government positions, pormal na pinapayagan ang mga high school graduate, kabilang na iyong nakakumpleto ng Junior High School (Grade 10) at Senior High School (Grade 12) under the K to 12 program, na makapasok sa government service.

Ang pagbabago ay opisyal na ginawa sa pamamagitan ng CSC Resolution No. 2500229, ipinahayag noong March 6, 2025.

Sa isang kalatas, araw ng Huwebes, Mayo 8, ipinaliwanag ng CSC na ang resolusyon na nagwawasto sa educational requirements para sa entry-level government jobs ay magbibigay paliwanag sa structural reforms na ipakikilala ng K to 12 Basic Education Program, na ipinatupad sa buong bansa noong 2012.

Ang mga pangunahing pagbabago sa educational requirements ay ang mga posisyon na dating minamandato ng high school graduate ay maaari nang tumanggap ngayon ng high school graduate bago ang 2016 o ang mga nakakumpleto ng Grade 10 o Junior High School na nagtapos simula noong 2016.

Maging ang mga posisyong nangangailangan ng high school graduate o nakakumpleto ng relevant vocational o trade course ay kinikilala na ang high school graduates bago ang 2016, ang mga Grade 10 graduates simula noong 2016 o mga indibidwal na nakakumpleto ng relevant vocational o trade course.

At para sa mga posisyong nangangailangan ng mga graduate ng 2-years sa kolehiyo, tinatanggap na ang mga nakakumpleto na ng dalawang taon sa kolehiyo bago ang 2018 o Grade 12/Senior High School simula noong 2016.

Para sa mga posisyon na kailangang nakapagtapos ng dalawang taon sa kolehiyo o high school graduate na may relevant vocational o trade course, kinikilala na sa revised standards ang mga aplikante na nagtapos ng dalawang taon sa kolehiyo bago ang 2018, high school graduates na may relevant vocational o trade courses bago ang 2018, Grade 12 graduates sa ilalim ng Technical-Vocational-Livelihood track o Grade 10 graduates na may relevant vocational o trade courses simula noong 2018.

Welcome naman sa Department of Education (DepEd) ang desisyon ng gobyerno na payagan ang mga senior high school (SHS) graduate na maging kwalipikado para sa piling posisyon sa gobyerno.

“For years, our SHS students have been trained to be work-ready, but policy gaps have kept them from entering the public sector. This reform finally bridges that divide,” ang sinabi ni DepEd Secretary Sonny Angara sa isang kalatas.

(CHRISTIAN DALE)

49

Related posts

Leave a Comment