SOLON: P113-B ‘INVISIBLE INSERTIONS’ SA 2026 BUDGET

TADTAD pa rin ng “insertions” ang panukalang 2026 General Appropriations Bill (GAB) na nakatakdang pagtibayin sa ikalawang pagbasa ngayong linggo, ngunit itinago umano sa sambayanang Pilipino ang bulto ng dagdag na pondo. Ito ang ibinunyag ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio sa kanyang turno en contra, matapos niyang matuklasan ang umano’y P113 bilyong “invisible insertions” sa badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH). “Dahil sa tindi ng galit ng mamamayan, napilitang tanggalin ang P255 bilyong locally-funded flood control projects. Pero ang inilihim…

Read More

POLITICAL DYNASTIES PINATATAG NG ‘PORK’, AYUDA NG MGA POLITIKO

PORK barrel, budget insertions at ayuda mula sa buwis ng taumbayan na ipinamimigay ng mga politiko sa kanilang mga nasasakupan ang siyang nagpapatatag sa mga political dynasty sa Pilipinas. Sa privilege speech ni Caloocan City Rep. Edgar Erice, kinastigo nito ang Mababang Kapulungan dahil sila mismo aniya ang dahilan kung bakit nasusunog na ngayon ang kapulungan. “Yes, Mr. Speaker — this House is on fire! At ang masakit na katotohanan: tayo mismo ang nagsindi ng apoy na ito. Noong mga nakaraang Kongreso, may mga apoy na. Ngunit sa 19th Congress,…

Read More

Hindi naharang ng sibat: REMULLA BAGONG OMBUDSMAN

IT’S FINAL! Itinalaga na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang bagong Ombudsman ng bansa, kapalit ni Samuel R. Martires na natapos ang termino noong Hulyo. Nauna nang ibinunyag ni Sen. Imee Marcos na si Remulla ang napili ng Pangulo para sa posisyon noong Lunes, Oktubre 6, ngunit pinayuhan ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na huwag pangunahan ang anunsyo ng Pangulo. “Tingnan po muna natin. Huwag muna pong pangunahan ang Pangulo. Marami pong pagpipilian, pito po ang nasa shortlist,”…

Read More

MAS MATIBAY NA PROTEKSYON NG BPO WORKERS ISINULONG NI VILLAR

NAGHAIN si Senadora Camille Villar, ng panukalang batas na layong palakasin ang proteksyon para sa mga manggagawa sa Business Process Outsourcing (BPO) sector. Nilalayon ng panukala na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga empleyado, lalo na matapos lumabas ang mga ulat hinggil sa mga BPO worker sa Cebu na pinilit umanong bumalik sa trabaho kahit may banta pa ng panganib matapos ang malakas na lindol. Mariing tinutulan ng mga manggagawang BPO sa Cebu ang umano’y return-to-work orders at banta ng pagkawala ng trabaho matapos nilang unahin ang kanilang kaligtasan…

Read More

NAG-APPLY NG POLICE CLEARANCE, DINAMPOT

CAVITE – Imbes na police clearance, isang warrant of arrest ang natanggap ng isang lalaki nang arestuhin sa Dasmariñas City noong Lunes ng hapon. Ayon sa ulat, bandang alas-4:00 ng hapon nang nagtungo ang suspek na si alyas “Gima” sa Dasmariñas Component City Police Station upang mag-apply ng police clearance na kailangan sa trabaho. Makalipas ang ilang minutong paghihintay, imbes na police clearance ang matanggap ay inisyuhan siya ng warrant of arrest na inilabas ni Assistant Judge Elenita Carlos Dimaguila, ng Regional Trial Court, National Capital Region, Branch 112, Pasay…

Read More

LGU EMPLOYEE ARESTADO SA DRUG BUY-BUST

ZAMBOANGA SIBUGAY – Arestado ang isang tauhan ng local government unit sa lalawigan sa isinagawang anti-drug operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency nitong nakalipas na Linggo. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, matapos ang isinagawang surveillance operation ay ikinasa ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang illegal drug personality sa Barangay Sta. Barbara, Imelda, Zamboanga Sibugay. Dakong alas-12:20 ng tanghali nang ilatag ang buy-bust operation ng mga operatiba ng PDEA Zamboanga Sibugay Provincial Office (PDEA ZSBY PO),…

Read More

DAVAO OCCIDENTAL AT NEGROS OCCIDENTAL NIYANIG NG LINDOL

KAPWA nakaranas ng magnitude 5.1 earthquake nitong Martes ang lalawigan ng Davao Occidental at Negros Occidental sa magkahiwalay na oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Ayon sa Phivolcs, tumama ang magnitude 5.1 earthquake sa Davao Occidental bandang alas-12:13 ng tanghali at natukoy ang episentro ng lindol, 118 kilometro ng Silangan bahagi ng Sarangani Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental. Sinasabing tectonics ang pinagmulan ng pagyanig sa lalim na sampung kilometro. Una rito, niyanig din ng magnitude 5.1 earthquake ang Negros Occidental, bandang alas-8:04 nitong Martes…

Read More