DAVAO OCCIDENTAL AT NEGROS OCCIDENTAL NIYANIG NG LINDOL

KAPWA nakaranas ng magnitude 5.1 earthquake nitong Martes ang lalawigan ng Davao Occidental at Negros Occidental sa magkahiwalay na oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, tumama ang magnitude 5.1 earthquake sa Davao Occidental bandang alas-12:13 ng tanghali at natukoy ang episentro ng lindol, 118 kilometro ng Silangan bahagi ng Sarangani Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental.

Sinasabing tectonics ang pinagmulan ng pagyanig sa lalim na sampung kilometro.

Una rito, niyanig din ng magnitude 5.1 earthquake ang Negros Occidental, bandang alas-8:04 nitong Martes ng umaga sanhi umano ng paggalaw ng fault at plate boundaries.

Tectonic ang origin ng lindol at naitala ang episentro nito, may 42 kilometers (km) north-northwest ng Sipalay City sa lalim na 11 km.

Parehong bahagya lamang naramdaman ng mga residente na nasa loob ng kanilang mga bahay nang mangyari ang pag-uga.

Subalit umaasa ang Phivolcs na may susunod na aftershocks sa dalawang naganap na paglindol. Wala namang pinsala na naitala ang nasabing mga pagyanig.

(JESSE RUIZ)

40

Related posts

Leave a Comment