“KUNG hindi niyo kayang ibaba ang presyo ng mga bilihin, eh itaas ang sahod.” Ito ang matinding panawagan ni Kamanggagawa Party-list Rep. Eli San Fernando kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasabay ng paghahain niya ng panukalang P200 across-the-board wage hike para sa mga manggagawa sa buong bansa. Ayon kay San Fernando, habang abala ang gobyerno sa isyu ng flood control anomalies, tila nakakalimutan ang kalagayan ng mga ordinaryong manggagawa na patuloy na nahihirapan sa taas-presyo ng mga bilihin. “Nakalulungkot kasi wala sa LEDAC, wala sa priority agenda ng administrasyong…
Read MoreDay: October 23, 2025
SP SOTTO PINITIK SA PAGDEPENSA SA MGA VILLAR
HINDI pinalampas ni Las Piñas City Rep. Mark Anthony Santos ang ginawa ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na tila pagdepensa sa mag-inang dating Sen. Cynthia at Sen. Mark Villar, kahit hindi pa tapos ang imbestigasyon sa multi-bilyong flood control projects scandal. “Senator Sotto should be more careful with his pronouncements. His remarks could be seen as prejudging the outcome of the investigation or worse, siding with the Villars to protect political alliances. Better to keep your opinion to yourself and let the evidence speak for itself,” matapang na…
Read MorePBBM, VP SARA, IBA PA PINAGLALABAS DIN NG SALN
HINAMON ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte na isapubliko rin ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) kasunod ng panawagan ng publiko para sa transparency sa gitna ng malawakang anomalya sa flood control projects. Ginawa ni Cendaña ang hamon matapos maglabas ng SALN sina House Speaker Faustino “Bojie” Dy III at Senate President Vicente “Tito” Sotto III, na aniya ay magandang hakbang tungo sa pananagutan sa gobyerno. “Kumasa na ang House leadership sa hamon ng Akbayan…
Read MoreCLARETIAN ARIEL INTON, NAKIISA SA “SIPAIN ANG CORRUPTION”
NAKIISA si Claretian Ariel Inton (Batch 1980) sa kampanyang “SIPAIN ANG CORRUPTION!” ng Claret Football bilang patunay ng kanyang paninindigan sa katapatan at pananagutan sa serbisyo publiko. Noong Oktubre 22, nagsama-sama ang mga manlalaro ng Claret Football sa isang friendly match upang itaas ang kamalayan laban sa laganap na katiwalian. Si Inton mismo ang nagpasimula ng programa sa pamamagitan ng isang simbolikong penalty kick, na nagsilbing hudyat ng mainit na panawagan para sa pagkilos. Kasabay ng paninindigan ni School Director Fr. Vic Sadaya, binigyang-diin ni Inton na matindi nang winasak…
Read MoreCAYETANO MULING NAGDIWANG NG KAARAWAN KASAMA MGA PDL
Kasabay ng National Correctional Consciousness Week 2025, personal na dumalaw si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Huwebes sa mga persons deprived of liberty (PDL) sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) — bahagi ng taunang tradisyong sinimulan niya noong 2011 tuwing kanyang kaarawan. Bumisita ang senador sa Taguig City Jail, kung saan namahagi ang kanyang tanggapan ng 3,700 set ng health kits at 5,562 meals para sa mga PDL at jail personnel. Kasama ni Cayetano sa aktibidad sina Taguig City Mayor Lani Cayetano, Vice Mayor…
Read MoreFULL POLICE VISIBILITY SA MAYNILA INIUTOS NGAYONG CHRISTMAS SEASON
INATASAN ni Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang Manila Police District (MPD) na tiyakin ang maximum police visibility sa mga commercial at pampublikong lugar ng lungsod habang papalapit ang holiday season, binanggit ang pangangailangan sa inaasahang pagtaas ng mga insidente ng krimen sa huling quarter ng taon. Sa isinagawang Manila Peace and Order Council 4th Quarter Meeting nitong Huwebes, Oktubre 23, inatasan ni Domagoso ang MPD na mahigpit na sumunod sa direktiba ni Philippine National Police (PNP) Acting chief, Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na nag-uutos ng heightened police visibility…
Read MoreBILANG NG PULIS NA MAGBABANTAY NGAYONG UNDAS ITINAAS SA 31K
TODO-HANDA na ang Philippine National Police (PNP) para sa Undas 2025 matapos ianunsyo na madaragdagan pa ang puwersa ng mga pulis na magbabantay sa mga sementeryo, columbarium, at matataong lugar sa buong bansa. Mula sa 25,000, itinaas ng PNP sa 31,298 ang bilang ng mga uniformed personnel na ipakakalat para tiyaking ligtas, maayos, at mapayapa ang paggunita ng Araw ng mga Patay. Ayon kay PNP Public Information Office Chief BGen. Randulf Tuaño, may karagdagang 11,707 personnel mula sa AFP, BFP, PCG, at iba pang ahensya na magsisilbing dagdag-puwersa sa operasyon.…
Read MoreP13.2-M FRESH CARROTS MULA CHINA NAKUMPISKA NG BOC
NADISKUBRE ng Bureau of Customs ang P13.2 million na halaga ng fresh carrots mula sa China sa loob ng tatlong forty-foot containers sa Port of Manila. Ayon kay District Collector Alexander E. Alviar, nagpalabas ng Alert Order sa nasabing shipment noong Oct. 8 dahil sa ulat ng tangkang smuggling. Nang iutos ang physical examination sa mga container noong Oct. 17, nadiskubre ang mahigit 53,283 kilos ng fresh carrots na idineklarang bathroom fixtures, napkins, at storage boxes. Noong Oct. 21 ininspeksyon ng mga opisyal ng BOC sa pamumuno nina Assistant Commissioner…
Read More‘WAG HUMUSGA BASE SA TSISMIS – GOITIA
NANAWAGAN si Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ng patas at mahinahong pagtingin sa mga isyung ibinabato laban kay Unang Ginang Liza Araneta Marcos, sa gitna ng mga alegasyon ng iregularidad sa flood control projects. “Ang integridad ay hindi dapat husgahan sa pamamagitan ng tsismis o haka-haka,” diin ni Goitia. Ayon kay Goitia, hindi opisyal ng gobyerno o kontratista si Mrs. Marcos kaya’t walang batayan ang pagsasangkot sa kanya. “Nakakalungkot na sa panahon ngayon, mas mabilis ang mga tao maghusga kaysa magsuri,” ani Goitia. “Ang mga paratang laban sa Unang…
Read More