Para hindi maantala – Comelec BAGONG REDISTRICTING LAW DAPAT IPASA PARA SA BARMM ELECTION

INIHAYAG ng Commission on Elections na mahirap maisagawa ang unang parliamentary elections sa BARMM sa Marso 31, 2026 kung walang bagong ‘redistricting law’ na maipapasa bago matapos ang Nobyembre. Hinihintay ng komisyon ang batas para masunod ang timeline ng halalan ngunit nilinaw ni Comelec Chairman George Garcia na ang pahayag ay hindi para i-pressure ang Bangsamoro Parliament kundi para bigyang-diin na kailangan ng komisyon ang batas upang masunod ang kanilang timeline. Ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) ay nagpasa ng Bangsamoro Parliamentary Redistricting Act of 2025 noong Agosto, na muling nagbahagi…

Read More

NAWAWALANG LALAKI NATAGPUANG PATAY

CAVITE –Bangkay na nang matagpuan ang isang lalaki dalawang araw makaraang iulat na nawawala, na nabaril pala ng isang welder sa loob ng isang kumpanya sa Trece Martires City. Kinilala ang biktima na si alyas “Ryan”, 32, isang helper, ng Brgy. Gregorio, Trece Martires City. Hawak na ng Trece Martires City Component City Police Station ang suspek na si alyas “Edward”, 47, isang welder, ng Brgy. Conchu, Trece Martires City. Ayon sa ulat, noong Nobyembre 22 bandang alas-9:30 ng gabi, napansin ng suspek sa loob ng CavDeal Motorpool sa Brgy.…

Read More

‘TRILLION PESO MARCH’ PINAGHAHANDAAN NG PNP, AFP

KAPWA pinaghahandaan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang ikinakasang Bonifacio Day “Trillion Peso March” sa darating na Nobyembre 30, dahil inaasahang mas malaking grupo umano ang posibleng dumagsa kumpara sa nakaraang September 21 rally, sa layuning masiguro ang kaayusan, kapayapaan at kaligtasan ng mga lalahok. Hiniling ng pamunuan ng PNP at maging ng AFP, sa rally organizers na bantayan ang kanilang hanay para masiguro ang disiplina at walang karahasang magmumula sa mga makikilahok. Sinabi ni AFP spokesperson, Colonel Francel Margareth Padilla. “We are asking rally…

Read More

PUGANTENG TAIWANESE ARESTADO SA CRUISE SHIP

ARESTADO ang isang Taiwanese national at dating mamamayan ng Estados Unidos, matapos maharang sakay ng MV Star Navigator, habang naglalayag mula Kaohsiung, Taiwan papuntang Pilipinas. Kinilala ang naaresto na si Tsai Chin Hao, 54, may Interpol alert at may nakabinbing warrant of arrest sa Estados Unidos, dahilan upang ituring siyang pugante sa batas. Matapos kumpirmahin ng BI INTERPOL Unit, isang walong-kataong team ng immigration officers mula sa BI Bay Service Section, ang nagsagawa ng boarding at immigration formalities sa MV Star Navigator na na-detect nila ang pagpasok sa teritoryo ng…

Read More

2026 DOT BUDGET APRUB SA SENADO

APRUBADO na ang panukalang budget ng Department of Tourism (DOT) at attached agencies nito para sa 2026 fiscal year. Sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) para sa 2026, ang DOT ay may proposed budget na P3.718 bilyon para sa ahensya. Ilalaan ang P3.19 bilyon para sa Office of the Secretary habang ang attached agencies nito kabilang ang Intramuros Administration, National Parks Development Committee, at Philippine Commission of Sports Scuba Diving, ay magkakaroon ng P159 milyon, P320 milyon at P44.9 milyon, ayon sa pagkakabanggit. Inihayag ni Senate Deputy Majority Leader…

Read More

WALKTHROUGH SA RUTA NG TRASLACION, ISINAGAWA

BAGAMA’T may panaka-nakang pag-ulan nitong Martes ng umaga, itinuloy pa rin ang Walkthrough para sa ruta ng Traslacion 2026. Bandang alas-5 ng umaga nang simulan ang aktibidad sa Quirino Grandstand sa Luneta kung saan doon magsisimula o manggagaling ang imahe ng Nazareno sa Enero 9, 2026. Tatahakin ang ruta ng Traslacion hanggang sa simbahan ng Quiapo. Kasama sa Walkthrough ang pamunuan ng simbahan ng Quiapo at ilang opisyal ng ahensya ng pamahalaan. Ito ay bilang bahagi ng paghahanda sa pagdiriwang ng Nazareno 2026. Ang pangunahing layunin nito ay upang tiyakin…

Read More

P1-M PATONG SA ULO NI CASSANDRA ONG

NAG-ALOK ng isang milyong piso na pabuya ang Department of Justice (DOJ) para sa anomang impormasyong magtuturo sa kinaroroonan ng principal accused sa qualified human trafficking na si Cassandra Li Ong, executive ng Lucky South 99 at kapwa akusado ni dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo. Ito ang inanunsyo ni Justice Secretary Fredderrick A. Vida sa isang press briefing, kung saan kinumpirma niyang “urgent” ang utos na madakip si Ong at maiharap sa hukuman. Si Guo ay nauna nang hinatulan ng reclusion perpetua ng Pasig City Regional Trial Court dahil…

Read More

74 TIMBOG SA 1-WEEK ANTI-DRUG OPS NG SPD

INARESTO ng Southern Police District (SPD) ang 74 katao at nakumpiska ang P1.88 milyong halaga ng ilegal na droga sa isang linggong operasyon mula Nobyembre 17 hanggang 23. Sa naturang panahon, nagsagawa ang iba’t ibang yunit ng SPD ng 59 operasyon laban sa ilegal na droga, na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang high-value individual at 72 street-level suspect. Ayon sa ulat, nakumpiska ng mga operatiba ang 276.42 gramo ng shabu, limang gramo ng marijuana, 0.9 gramo ng kush, at iba pang drug paraphernalia. Nagtala ang Taguig police ng pinakamataas na…

Read More

2 KINASUHAN NA NG QCPD SA BAR SHOOTING SA QC

SINAMPAHAN na ng kasong kriminal ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga suspek na sina Jayson Dellosa at Joseph “Pepe” Santosa Juan, kaugnay ng pamamaril sa isang night club sa Brgy. Laging Handa, Quezon City. Batay sa imbestigasyon, bandang alas-3:08 ng madaling-araw noong Nobyembre 16, 2025, dumating si Jayson sa club at naghintay sa labas para kay Joseph “Boss Pepe”, operations manager ng bar. Pagdating ni Pepe, pinasok nito si Jayson nang hindi dumaan sa regular na security check. Alas-4:42 ng umaga, nagkaroon ng komosyon sa pagitan ng kasama…

Read More