INARESTO ng Southern Police District (SPD) ang 74 katao at nakumpiska ang P1.88 milyong halaga ng ilegal na droga sa isang linggong operasyon mula Nobyembre 17 hanggang 23.
Sa naturang panahon, nagsagawa ang iba’t ibang yunit ng SPD ng 59 operasyon laban sa ilegal na droga, na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang high-value individual at 72 street-level suspect.
Ayon sa ulat, nakumpiska ng mga operatiba ang 276.42 gramo ng shabu, limang gramo ng marijuana, 0.9 gramo ng kush, at iba pang drug paraphernalia.
Nagtala ang Taguig police ng pinakamataas na bilang ng operasyon at pagkumpiska, habang ang Muntinlupa police ang may pinakamataas na halaga ng nakumpiskang ilegal na droga.
Sinabi ni BGen. Randy Arceo, acting district director ng SPD, na ang mga resulta ay patunay ng patuloy na pagtutok ng distrito sa kampanya laban sa ilegal na droga.
(CHAI JULIAN)
15
