INATASAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang DOTr at CAAP na makipag-ugnayan sa Malaysia at Singapore matapos matukoy na posibleng doon itinatago ang helicopter at eroplano na pag-aari umano ni dating Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co. Ayon sa Pangulo, ang mga aircraft ay naka-rehistro sa Misibis Aviation and Development Corporation, kumpanyang pagmamay-ari umano ni Co. Ngunit dahil sa freeze order ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), bawal nang galawin o gamitin ang mga ito. “Hindi puwedeng gamitin ang mga ari-arian na galing sa kaban ng bayan para tumakas…
Read MoreDay: November 28, 2025
PBBM, ZELENSKYY PINAGTIBAY PH–UKRAINE TIES
PINAGTIBAY ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang “mainit na ugnayan” ng Pilipinas at Ukraine matapos makausap sa telepono si President Volodymyr Zelenskyy nitong Huwebes. Sa kanilang pag-uusap, tinalakay ang posibleng pagtutulungan sa food security, agriculture at digitalization — bilang bahagi ng pagpapalakas ng partnership sa pagitan ng dalawang bansa. “I spoke with President Volodymyr Zelenskyy today to reaffirm our warm relations and discuss areas where our countries can work together,” ayon kay Marcos sa isang kalatas. Dagdag pa ng Pangulo, pinag-usapan din nila kung paano mapalalawak ang ugnayan ng…
Read More271 LOOSE FIREARMS, PORMAL NA IPRINISENTA AT SAKA WINASAK
CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte — NASA 271 piraso ng mga kagamitang pandigma ang opisyal na iprinisenta at isinailalim sa ceremonial destruction bilang bahagi ng Small Arms and Light Weapons (SALW) Program, kasabay ng pamamahagi ng livelihood assistance sa mga benepisyaryo sa Provincial Capitol, Buluan, Maguindanao del Sur. Ayon kay Brigadier General Edgar L. Catu, Commander ng 601st Unifier Brigade, ang nasabing mga armas ay kusang isinuko sa iba’t ibang yunit ng kanyang brigade at 1st Mechanized Brigade mula sa 15 bayan bilang suporta sa kampanya kontra sa…
Read MorePPA TARGET REVENUE MALALAGPASAN NGAYON 2025
ITO ay makaraan sumipa ang naitalang kita ng Philippine Ports Authorities at makapagrehistro ng malaking operasyon ang mga pantalan sa unang buwan pa lamang ng huling quarter ng 2025. Ayon sa pamunuan, naniniwala silang posibeng malagpasan nila ang target na revenue dahil sa tuloy-tuloy na matatag na paglago ng kita ng Philippine Ports Authority (PPA) hanggang Oktubre 2025, kaya tiwala ang ahensya na maaabot o mahihigitan nila ang kanilang target ngayong taon. Sinasabing tumaas ng 10.57% ang kita ng PPA, mula P22.58 bilyon noong 2024 hanggang P24.97 bilyon ngayong 2025.…
Read MoreSa pagtataguyod ng proteksyon ng mga bata 8 LUNGSOD, 10 BAYAN SA CAVITE TUMANGGAP PARANGAL
CAVITE – Walong lungsod at sampung munisipalidad sa lalawigan ang ginawaran ng 2025 Seal of Child-Friendly Local Governance (SCFLG) bilang pagkilala sa kanilang matatag na pagpapatupad ng mga programang nagtataguyod sa kapakanan, proteksyon, at karapatan ng mga bata. Kabilang sa walong kinilalang City LGU sa Cavite ay ang Bacoor City, Dasmariñas City, Imus City, General Trias City, Cavite City, Tagaytay City, Trece Martires City, at Carmona City, habang ang 10 munisipalidad naman ay kinabibilangan ng Rosario, Kawit, Noveleta, Tanza, General Mariano Alvarez, Silang, Amadeo, Alfonso, Indang, at Magallanes. Iginagawad kada…
Read MoreINAWAY NG NOBYONG PULIS, POLICEWOMAN NAGBIGTI
WINAKASAN ng isang babaeng pulis ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa banyo ng kanilang bahay noong Huwebes. Ang biktima na isang 25-anyos na policewoman ay nakatalaga sa District Mobile Force Battalion ng Quezon City Police District (QCPD). Ayon sa ulat, nagtalo ang magkasintahan noong Huwebes ng hapon sa Barangay Krus na Ligas sa Lungsod ng Quezon hanggang sa naghamon ang babaeng pulis na makipaghiwalay. Upang hindi na lumala ang kanilang pag-aaway, umalis ng kanilang bahay ang lalaking pulis at nang bumalik dakong alas-2:10 ng hapon ay nakita nitong…
Read MoreISA PANG BANGKAY NATAGPUAN SA CAVITE
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite Police kung may kaugnayan sa unang natagpuang bangkay ng isang lalaki, may 500 metro ang layo, sa isa pang natagpuang bangkay sa Gen. Trias City, Cavite noong Huwebes ng umaga. Inilarawan ang biktima na nakasuot ng itim na t-shirt, itim na short, may taas na 5″5 at nabalutan ng garbage bag ang ulo habang nakagapos naman ng alambre ang mga paa at kamay. Ayon sa guwardiya na si Noora Diego Babagay, nagsasagawa siya ng roving inspection sa Riverpark, Advincula Road, Brgy. Pascam 1,…
Read More‘Save our market, save our identity!’ TUTOL SA RENOBASYON NG BAGUIO PUBLIC MARKET DUMARAMI
BAGUIO CITY – Dumarami ang boses ng pagtutol kontra sa nakatakdang renobasyon ng public market ng lungsod sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) kasama ang SM Prime Holdings. Sa panayam ng SAKSI Ngayon, iginiit ni Heather Pulido, nangunguna sa Save Baguio City Public Market initiative, na hindi sila laban sa modernisasyon, kundi sa posibilidad ng “mallification” kapag SM ang hahawak sa proyekto. Aniya, kapag natuloy ang PPP deal, ang higit na makikinabang ay ang mall giant na SM at hindi ang lokal na vendors o mga mamimili, turista man o…
Read MoreDOT KATUWANG NG VISA PARA SA MABILIS NA DIGITAL PAYMENT
NAKIPAGTULUNGAN ang Department of Tourism (DOT) at ang Visa, global leader sa digital payment, upang mapabilis ang digital na pagbabago sa sektor ng turismo. Sa ginanap na Memorandum of Understanding (MOU) sa DoT Central Office sa Makati City, nilagdaan ang partnership nina Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at Visa regional head para sa Southeast Asia, Visa Government Solutions Bella Lai. Ayon sa Visa, ang inisyatiba ay nagtutulak ng digital payment acceptance sa pangunahing mga destinasyon ng turista, sumusuporta sa micro, small, at medium enterprises, at nagpapatakbo ng data-driven tourism planning.…
Read More