INAWAY NG NOBYONG PULIS, POLICEWOMAN NAGBIGTI

WINAKASAN ng isang babaeng pulis ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa banyo ng kanilang bahay noong Huwebes.

Ang biktima na isang 25-anyos na policewoman ay nakatalaga sa District Mobile Force Battalion ng Quezon City Police District (QCPD).

Ayon sa ulat, nagtalo ang magkasintahan noong Huwebes ng hapon sa Barangay Krus na Ligas sa Lungsod ng Quezon hanggang sa naghamon ang babaeng pulis na makipaghiwalay.

Upang hindi na lumala ang kanilang pag-aaway, umalis ng kanilang bahay ang lalaking pulis at nang bumalik dakong alas-2:10 ng hapon ay nakita nitong wala nang malay ang biktima habang nakabigti sa banyo.

Kaagad niyang ibinaba ang biktima at itinakbo sa East Avenue Medical Center subalit idineklarang dead on arrival.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hanggil sa nangyaring insidente.

(TOTO NABAJA)

56

Related posts

Leave a Comment