ISA PANG BANGKAY NATAGPUAN SA CAVITE

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite Police kung may kaugnayan sa unang natagpuang bangkay ng isang lalaki, may 500 metro ang layo, sa isa pang natagpuang bangkay sa Gen. Trias City, Cavite noong Huwebes ng umaga.

Inilarawan ang biktima na nakasuot ng itim na t-shirt, itim na short, may taas na 5″5 at nabalutan ng garbage bag ang ulo habang nakagapos naman ng alambre ang mga paa at kamay.

Ayon sa guwardiya na si Noora Diego Babagay, nagsasagawa siya ng roving inspection sa Riverpark, Advincula Road, Brgy. Pascam 1, Gen. Trias City bandang alas-10:50 ng umaga nang makaamoy siya ng masangsang.

Sinundan niya ang amoy hanggang sa nakarating sa isang madamong bahagi ng kalsada kung saan nakita niya ang bangkay ng isang lalaki na may balot ng garbage bag sa ulo at nakagapos ang mga kamay.

Sinabi ng pulisya na may pagkakapareho ito sa natagpuang bangkay ng isang lalaki noong Nobyembre 26, may 500 metro ang layo sa nasabi ring lugar.

Inaalam din kung biktima ng salvage ang natagpuang bangkay dahil sa estilo ng pagpatay.

(SIGFRED ADSUARA)

109

Related posts

Leave a Comment