BUONG PWERSA NG MANILA LGU, MPD KASADO NA SA NOV. 30 RALLY

HANDA na ang puwersa ng pamahalaang lungsod ng Maynila kaugnay sa mga kinakailangang aksyon para sa idaraos na Anti-Corruption Protest Rally sa Nobyembre 30. Upang mapanatiling maayos at payapa ang malawakang rally, inatasan ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang lahat ng station commanders ng Manila Police District (MPD) at hepe ng bawat departamento na paghandaan ang nasabing aktibidad. Pinatitiyak din ng alkalde sa Manila Health Department, Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, MTPB MPD, Department of Public Services, at Manila Department of Social Welfare, na siguruhing magiging payapa, organisado,…

Read More

15K PULIS IDE-DEPLOY SA ‘TRILLION PESO MARCH’

pulis

HINDI bababa sa 15 libong kagawad ng Philippine National Police ang ide-deploy kaugnay sa gaganaping “Trillion Peso March” sa Linggo, Bonifacio Day. Inihayag ng PNP na magde-deploy sila ng 15,000 police personnel para matiyak na magiging payapa at maayos at ligtas ang lahat ng sasali sa gaganaping anti-corruption protests. Ayon kay PNP Acting chief, Lt. General Jose Melencio Nartatez, “Ang deployment po ay para masiguro ang kaligtasan ng lahat, protesters man o hindi.” “We fully respect the people’s right to peaceful assembly, and our commitment is to provide a safe,…

Read More

PAG-IIMBESTIGA SA DOJ USEC NA IDINAWIT SA FLOOD ANOMALY, TRABAHO NG OMBUDSMAN

NATAPOS na ang official leave ni DOJ Undersecretary Jojo Cadiz, na sinasabing tumayong “bagman” umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isyu ng ghost projects at flood control kickbacks, ayon sa rebelasyon ni dating Congressman Zaldy Co. Sa inilabas na video sa social media, ibinunyag ni Co na personal pa niyang iniabot ang P200 milyon kay Cadiz noong December 2, 2024 sa number 30 Tamarind Street, South Forbes Park, para raw dalhin sa bahay ni Pangulong Bongbong Marcos sa number 41 South Forbes Park. Kasama si Cadiz sa mga idinawit…

Read More

GUN BAN SA METRO MANILA KABILANG SA PREPARASYON NG PNP SA ‘TRILLION PESO MARCH’

MAGPAPATUPAD ng gun ban ang Philippine National Police (PNP) sa buong Metro Manila kaugnay ng inaasahang “Trillion Peso March” ngayong weekend. Batay sa Memorandum Order, suspendido ang Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) mula 12:01 AM ng Sabado, November 29 hanggang 11:59 PM ng Lunes, December 2. Layunin ng gun ban na matiyak ang kaayusan at kapayapaan habang inaasahan ang dagsa ng mga Pilipinong magpoprotesta laban sa umano’y kaliwa’t kanang katiwalian sa pamahalaan. Ayon sa PNP, may sapat silang preparasyon upang maiwasan ang pag-escalate ng tensyon o anomang…

Read More

P110-M CASH ISINOLI NG ‘BGC BOY’ SA DOJ

BULTO-BULTONG pera ang isinuko sa Department of Justice (DOJ) ni Bulacan District Engineer Henry Alcantara bilang bahagi ng kanyang “restitution” commitment sa gobyerno kaugnay ng maanomalyang flood control projects sa Bulacan. Tumataginting na P110 milyon ang inihatid kahapon sa DOJ — sakay pa ng armored vehicle — dahil hindi raw kakasya kung mano-mano lang ipapasok sa gusali. Si Alcantara ay kabilang sa tinaguriang “BGC Boys”, na sangkot sa multi-million flood control kickback scheme sa Baliuag, Bulacan. Ang P110M ay paunang bayad lamang mula sa P300-milyong kabuuang commitment ni Alcantara na…

Read More

MALAKIHANG ROLLBACK SA DIESEL AT KEROSENE SA SUSUNOD NA LINGGO

GOOD news sa mga motorista! May malakihang bawas-presyo na inaasahang ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo, lalo na sa diesel at kerosene. Ayon kay Atty. Rino Abad, director ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy (DOE), base sa unang apat na araw ng trading, posible ang P3 hanggang P3.20 pagbaba kada litro ng diesel, habang halos kapareho ang tapyas sa kerosene. “May rollback po tayo ng lahat ng produktong petrolyo… sa diesel po ay nasa P3 at pwede pang umabot sa P3.20,” ayon kay…

Read More

PARATANG VS CHIZ, GUMUHO SA EBIDENSYA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO IBINASURA ng Commission on Elections (COMELEC) ang reklamo laban kay Senator Francis “Chiz” Escudero, at kasabay nito ang pagbuhos ng suporta mula sa mga iginagalang na eksperto sa batas. Ayon sa dating mahistrado ng Supreme Court na si Justice Adolfo Azcuna, walang sapat na bigat ang ebidensyang iniharap kaya’t makatarungan lamang ang naging pasya pabor kay Escudero. Para naman kay election lawyer Romulo Macalintal, malinaw umanong walang nilabag na batas sa campaign finance ang mga alegasyon. Aniya, ang ganitong usapin ay dapat nauunawaan ng sinomang bihasa…

Read More

Secretary Aguda tinawag na ‘dishonest’ ni Senadora Riza

TINAWAG ni Senadora Risa Hontiveros na ‘dishonest,’ o hindi tapat, si Information and Communications Technology Secretary Henry Aguda sa gitna ng plenary debates ng Senado hinggil sa panukalang badyet ng ahensya para sa taong 2026. Ang pintas ng Senadora sa hepe ng DICT ay makaraang lumabas ang magkakasalungat umanong paliwanag ng huli tungkol sa proseso ng procurement para sa Bayanihan SIM Project. Sa pagtatanong ni Hontiveros tungkol sa isinagawang bidding para sa SIM card distribution initiative ng gobyerno ay sinita niya si Aguda kung bakit ang ginamit ng batayan ng…

Read More