GUN BAN SA METRO MANILA KABILANG SA PREPARASYON NG PNP SA ‘TRILLION PESO MARCH’

MAGPAPATUPAD ng gun ban ang Philippine National Police (PNP) sa buong Metro Manila kaugnay ng inaasahang “Trillion Peso March” ngayong weekend.

Batay sa Memorandum Order, suspendido ang Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) mula 12:01 AM ng Sabado, November 29 hanggang 11:59 PM ng Lunes, December 2.

Layunin ng gun ban na matiyak ang kaayusan at kapayapaan habang inaasahan ang dagsa ng mga Pilipinong magpoprotesta laban sa umano’y kaliwa’t kanang katiwalian sa pamahalaan.

Ayon sa PNP, may sapat silang preparasyon upang maiwasan ang pag-escalate ng tensyon o anomang marahas na kilos protesta gaya ng nangyari sa Maynila noong September 21.

(TOTO NABAJA)

68

Related posts

Leave a Comment