P110-M CASH ISINOLI NG ‘BGC BOY’ SA DOJ

BULTO-BULTONG pera ang isinuko sa Department of Justice (DOJ) ni Bulacan District Engineer Henry Alcantara bilang bahagi ng kanyang “restitution” commitment sa gobyerno kaugnay ng maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

Tumataginting na P110 milyon ang inihatid kahapon sa DOJ — sakay pa ng armored vehicle — dahil hindi raw kakasya kung mano-mano lang ipapasok sa gusali.

Si Alcantara ay kabilang sa tinaguriang “BGC Boys”, na sangkot sa multi-million flood control kickback scheme sa Baliuag, Bulacan.

Ang P110M ay paunang bayad lamang mula sa P300-milyong kabuuang commitment ni Alcantara na ibabalik sa kaban ng bayan. Ito rin ang isa sa kondisyon sa kanyang aplikasyon sa Witness Protection Program (WPP).

Kinumpirma ni DOJ Secretary Frederick Vida na provisionally admitted na sa WPP si Alcantara, pero may babala na kung hindi nito tatapusin ang P300M restitution o lalabag sa kondisyon ng programa — malabo itong maaprubahan bilang state witness.

Bukod kay Alcantara, inaasahan ding magsasauli ng P7 milyon si dating DPWH Undersecretary Bernardo, gaya ng pangako nito sa DOJ.

(JULIET PACOT)

53

Related posts

Leave a Comment