PNP-HPG NAGHAHANDA NG KASO VS P1.1-B YOSI SMUGGLERS

PINATITIBAY na ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang mga ebidensya para sa pagsasampa ng kaso laban sa isang empleyado ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Batangas, sa kanyang asawa, at iba pang sangkot sa tangkang pagpupuslit ng tinatayang ₱1.1 bilyong halaga ng mga sigarilyo. Ayon sa PNP, kabilang sa posibleng ikaso ang paglabag sa Republic Act 12022 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, isang non-bailable offense na may parusang habambuhay na pagkakakulong kapag napatunayang guilty. Matatandaang noong Disyembre 31, nakumpiska ng PNP-HPG ang 14 container vans…

Read More

Kahit hirap matunton DOJ POSITIBONG NASA PH PA RIN SI ATONG ANG

NANINDIGAN ang Department of Justice (DOJ) na nasa loob pa rin ng bansa ang gaming tycoon na si Charlie “Atong” Ang. Ayon kay DOJ Acting Secretary Fredderick Vida, patuloy ang koordinasyon ng DOJ sa mga enforcement agencies upang matunton ang itinuturing na pugante. Nauna nang naglabas ng warrant of arrest ang RTC ng Sta. Cruz, Laguna at Lipa City, Batangas laban kay Ang sa kasong kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention. Wala pa namang inilalabas na warrant ang RTC San Pablo, Laguna kaugnay sa kaso ng mga…

Read More

FRASCO ITINANGGING TATAKBO SA NATIONAL ELECTION

IGINIIT ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco na wala siyang ibinigay na pahintulot sa paggamit ng kanyang larawan sa isang magazine na iniuugnay umano ng isang politiko sa self-promotion para sa national elections. Binigyang-diin ni Frasco na hindi siya tatakbo sa anomang national position kaya walang dahilan upang i-promote ang sarili. Ito ang paglilinaw ng kalihim sa kanyang pagdalo sa Kapihan sa Manila Bay forum kaugnay ng mga lumabas na Japanese magazine na tampok ang kanyang imahe. “I am very visible because I am simply working, nothing…

Read More

MAKABULUHANG REPORMA SA KALUSUGAN, ITINUTULAK NI SEN. CAMILLE VILLAR

MAYNILA — Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang dalawang mahahalagang panukalang batas sa kalusugan na itinuturing na malaking hakbang tungo sa preventive healthcare at pantay na akses sa serbisyong medikal, kung saan si Senadora Camille Villar ay kabilang sa pangunahing may-akda at co-author. “Ang preventive care at maagap na interbensyon ay nakababawas ng paghihirap, nagpapababa ng pangmatagalang gastusin, at nagliligtas ng buhay,” pahayag ni Villar. Aniya, layon ng mga panukala na tiyaking ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan ay karapatan ng bawat Pilipino at hindi pribilehiyo. Isa sa…

Read More

JEEPNEY DRIVER BINARIL, EX-BRGY. CHAIRMAN ITINURONG MAY PAKANA

CAVITE – Pinasok sa kanyang bahay at pinagbabaril ang isang 43-anyos na jeepney driver ng dalawang ‘di pa nakikilalang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo sa Dasmariñas City noong Martes ng madaling araw. Nilalapatan ng lunas sa Emilio Aguinaldo College (EAC) Hospital ang biktimang si alyas “Roderick”, may live-in partner, ng Brgy. Salitran 1, Dasmariñas City, Cavite dahil sa mga tama ng bala sa katawan. Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na nakasuot ng face mask, puting t-shirt, brown jacket, maong pants at magkaangkas sa isang…

Read More

HALOS 1K KABAHAYAN NATUPOK SA COASTAL BARANGAY SA TAWI-TAWI

HALOS isang libong kabahayan na gawa sa light materials ang natupok sa malaking sunog na sumiklab sa isang coastal barangay sa bayan ng Bongao, Tawi-Tawi. Ayon sa Bongao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), mahigit 5,000 katao ang nawalan ng tirahan matapos lamunin ng apoy ang stilt houses sa Barangay Lamion nitong Martes ng gabi. Tumagal ng halos apat na oras ang sunog. Nakatanggap umano ng tawag ang MDRRMO bandang alas-10:09 ng gabi, subalit mabilis nang nilamon ng apoy ang malaking bahagi ng residential area. Dagdag pa ng…

Read More

PNP NAGSIMULA NANG MANGOLEKTA NG DNA SA MGA NASAWI SA MV TRISHA KERSTIN 3

NAGSIMULA na ang Philippine National Police (PNP) sa pangongolekta ng DNA samples mula sa mga pamilya ng mga nasawi sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3 upang makatulong sa pagkilala sa mga bangkay. Ayon sa PNP, mahigit isang linggo na ang lumipas mula nang lumubog ang Ro-Ro vessel at patuloy pa ring may nare-recover na mga bangkay, dahilan upang maging mas mahirap ang visual identification ng mga biktima. Batay sa ulat ng mga local disaster risk reduction and management office at ng Philippine Coast Guard (PCG), umaabot na sa 45…

Read More

SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY SA IBA’T IBANG LUGAR IDINEKLARA NGAYONG PEBRERO

NAGDEKLARA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mga special non-working holiday sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong Pebrero upang ganap na makalahok ang mga residente sa pagdiriwang ng mga lokal na pista at anibersaryo. Sa ilalim ng Proclamation No. 1145, idineklara ang Pebrero 26, 2026 bilang special non-working holiday sa Buug, Zamboanga Sibugay para sa pagdiriwang ng Founding Anniversary at BOG Festival nito. Narito ang iba pang mga idineklarang local special non-working holidays para sa buwan ng Pebrero: Pebrero 2, 2026 – Lalawigan ng Ilocos Norte, ika-208 Founding…

Read More

MALAKANYANG IKINATUWA PAGBASURA SA 2 IMPEACHMENT COMPLAINT LABAN KAY PBBM

IKINATUWA ng Malacañang ang naging deklarasyon ng House committee on Justice na “insufficient in substance” ang dalawang impeachment complaint na inihain laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa panayam, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na masaya ang Palasyo dahil nasunod ang tamang proseso. “Nagpapasalamat po tayo na nakita po ng mga mambabatas kung ano po talaga ang katotohanan. Lagi po tayong panig sa katotohanan, at nakita po natin na wala naman talagang merito ang mga nasabing complaint. Maging ang Pangulo ay kumpiyansa…

Read More