PNP-HPG NAGHAHANDA NG KASO VS P1.1-B YOSI SMUGGLERS

PINATITIBAY na ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang mga ebidensya para sa pagsasampa ng kaso laban sa isang empleyado ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Batangas, sa kanyang asawa, at iba pang sangkot sa tangkang pagpupuslit ng tinatayang ₱1.1 bilyong halaga ng mga sigarilyo.

Ayon sa PNP, kabilang sa posibleng ikaso ang paglabag sa Republic Act 12022 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, isang non-bailable offense na may parusang habambuhay na pagkakakulong kapag napatunayang guilty.

Matatandaang noong Disyembre 31, nakumpiska ng PNP-HPG ang 14 container vans na puno ng sigarilyo sa isang container yard sa Sitio 5, Barangay Balete, Batangas City.

Natukoy ng HPG na ang nagrerenta ng container yard ay asawa ng isang BOC employee na naka-destino sa Port of Batangas. Ang trucking company ng asawa ang ginamit umano sa pagbiyahe ng mga kontrabando.

Ayon kay PNP-HPG spokesperson Lt. Nodame Malang, kinokolekta na lamang ang mga dokumento at ebidensya mula sa iba’t ibang ahensya upang mapalakas ang kaso at matiyak ang conviction alinsunod sa pinaigting na anti-smuggling drive ng administrasyong Marcos.

Kinumpirma rin ni PNP-HPG Director Brig. Gen. Hansel Marantan na may natukoy na mga personalidad sa likod ng smuggling operation.

“Unfortunately, there is involvement of the trucker whose wife is a member of the BOC,” ani Marantan.

(JESSE RUIZ)

17

Related posts

Leave a Comment