Kahit hirap matunton DOJ POSITIBONG NASA PH PA RIN SI ATONG ANG

NANINDIGAN ang Department of Justice (DOJ) na nasa loob pa rin ng bansa ang gaming tycoon na si Charlie “Atong” Ang.

Ayon kay DOJ Acting Secretary Fredderick Vida, patuloy ang koordinasyon ng DOJ sa mga enforcement agencies upang matunton ang itinuturing na pugante.

Nauna nang naglabas ng warrant of arrest ang RTC ng Sta. Cruz, Laguna at Lipa City, Batangas laban kay Ang sa kasong kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention.

Wala pa namang inilalabas na warrant ang RTC San Pablo, Laguna kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Giit ng DOJ, matibay ang ebidensiyang kalakip ng mga kasong isinampa laban kay Ang, sa kabila ng motion to quash na inihain ng kanyang kampo.

(JULIET PACOT)

15

Related posts

Leave a Comment