PNP NAGSIMULA NANG MANGOLEKTA NG DNA SA MGA NASAWI SA MV TRISHA KERSTIN 3

NAGSIMULA na ang Philippine National Police (PNP) sa pangongolekta ng DNA samples mula sa mga pamilya ng mga nasawi sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3 upang makatulong sa pagkilala sa mga bangkay.

Ayon sa PNP, mahigit isang linggo na ang lumipas mula nang lumubog ang Ro-Ro vessel at patuloy pa ring may nare-recover na mga bangkay, dahilan upang maging mas mahirap ang visual identification ng mga biktima.

Batay sa ulat ng mga local disaster risk reduction and management office at ng Philippine Coast Guard (PCG), umaabot na sa 45 bangkay ang nare-recover sa karagatang sakop ng Baluk-Baluk Island hanggang nitong Miyerkoles.

“Families of the victims have already begun providing DNA samples to the PNP Scene of the Crime Operatives to aid in future identification,” ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Inaasahang mas magiging kumplikado ang pagkilala sa ilang bangkay dahil ang ilan ay nasa advanced state of decomposition bunsod ng matagal na pagkababad sa tubig mula nang lumubog ang barkong biyaheng Zamboanga City patungong Jolo, Sulu.

(JESSE RUIZ)

15

Related posts

Leave a Comment