PHILIPPINE AIR FORCE TUMULONG SA PAG-APULA SA NASUSUNOG NA LANDFILL

PATULOY ang pagtulong ng Philippine Air Force (PAF) sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa pag-apula ng nagliliyab na sanitary landfill sa Navotas. Naging malaking hamon sa mga bumbero ang operasyon, lalo na sa gabi, dahil sa mababang lebel ng tubig-dagat na nagiging sagabal sa reinforcement efforts. Simula pa Sabado, nag-deploy na ang PAF ng dalawang helicopter para sa heli-bucket operations—pagbuhos ng tubig mula sa himpapawid upang makontrol ang pagkalat ng apoy. Kahapon, muling pinakilos ang Sokol, Super Huey, at Black Hawk helicopters na may nakakabit na “Bambi bucket” para…

Read More

P705-M PEKENG PABANGO, NASABAT SA SINALAKAY NA BODEGA

NASAMSAM ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P705 milyong halaga ng pekeng pabango at kosmetiko sa isang bodega sa Valenzuela City. Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno matapos makatanggap ng intelligence report hinggil sa ilegal na aktibidad. Pinangunahan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Service (ESS), katuwang ang Philippine Coast Guard at Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group ang raid. Sa inspeksyon, tumambad ang samu’t saring pekeng produkto na ginaya mula sa kilalang international brands…

Read More

GOBYERNO, MULING KINALAMPAG PARA ALISIN ANG VAT SA PETROLYO

KINALAMPAG muli ni Senador Imee Marcos ang gobyerno na agarang aksyunan ang lumalalang epekto ng mataas na presyo ng krudo sa sektor ng pangingisda at agrikultura. “Hindi lang ito problema sa iilang lugar. Lahat tinatamaan, mula GenSan hanggang Zamboanga, lalo na sa mga lugar na umaasa sa pangingisda. Hindi na nga halos makapalaot ang mangingisda sa mahal ng diesel,” pahayag ni Marcos. Iginiit ng senador na kung walang agarang tulong, tuluyan nang malulugi ang mga maliliit nating mangingisda. “Puwede ba i-suspend na muna ang VAT sa petrolyo—lalo na para sa…

Read More

UPSKILLING PARA SA MGA NAPAUWING OFW, ISINUSULONG

HINIKAYAT ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na magpatupad ng mga upskilling programs bilang bahagi ng medium-to-long-term policy response ng pamahalaan para sa reintegration ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Bahagi ang naturang panukala ng preliminary report ng Senate PROTECT Committee para sa mga OFWs na inilikas mula sa Gitnang Silangan. Iminumungkahi ng senador ang pagpapalawak sa reskilling and upskilling programs para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho. Sa ilalim ng 2026 national budget, P8 bilyon sa pondo ng TESDA ang inilaan para sa Training for Work Scholarship Program, samantalang…

Read More

PBBM, FL LIZA NAG-DINNER SA GITNA NG USAPIN SA KALUSUGAN

NAG-DINNER sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta Marcos noong Sabado sa gitna ng umiikot na espekulasyon hinggil sa kalusugan ng Pangulo. Makikita sa kanilang social media posts na kumain ang First Couple sa Finestra Restaurant sa Solaire Resort Entertainment City. Sa kanyang Facebook post, sinabi ng Pangulo na naglaan siya ng oras para sa isang tahimik na hapunan kasama ang Unang Ginang. Aniya, nakasalamuha rin nila ang ilang mamamayan habang naroon, na aniya’y paalala ng kahalagahan ng kanilang tungkulin sa publiko. Samantala, ibinahagi rin ng Unang…

Read More

Gen4Juan Kicks Off Anniversary Month with Meaningful Fundraising Initiative for KaJuan Multipurpose Center

What an incredible way to begin its anniversary month, as Gen4Juan brought together partners and supporters for a meaningful fundraising initiative in support of its flagship project, the KaJuan Multipurpose Center in Magallanes, Cavite, through the successful Block Screening of Super Mario Galaxy in SM MOA IMAX, April 11, 2026. The event gathered a growing community of KaJuans united by a shared mission, demonstrating once again the power of collective action in creating lasting impact. Beyond fundraising, the initiative also served as an outreach effort, directly benefiting children of transport…

Read More

DSWD NAGBABALA SA PEKENG BAYAD KAPALIT NG CASH AID

NAGBABALA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko laban sa mga kumakalat na mensahe na humihingi umano ng bayad kapalit ng pagpapalabas ng cash relief assistance (CRA). Ayon sa DSWD, may mga ulat mula sa Field Office 2 (Cagayan Valley) hinggil sa mga indibidwal na naniningil ng ₱1,000 kapalit umano ng ₱5,000 tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program. Mariing itinanggi ng ahensya ang naturang gawain. “Hindi kailanman naniningil o humihingi ng anumang halaga ang DSWD kapalit ng pagkuha ng tulong…

Read More

₱1.8-B ILEGAL NA PRODUKTO NASAMSAM SA PINAIGTING NA OPERASYON NG PNP

NASAMSAM ng Philippine National Police (PNP) ang tinatayang ₱1.8 bilyong halaga ng ilegal na produkto sa magkakasabay na operasyon laban sa iligal na kalakalan at pagmimina noong Abril 10, 2026. Sa ilalim ng pamumuno ni Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., sinabi ng PNP na ang serye ng operasyon ay bahagi ng pinaigting at intelligence-driven na kampanya upang sugpuin ang mga paglabag sa batas at maprotektahan ang publiko. Sa Lapu-Lapu City, Cebu, sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng pulisya ang isang pasilidad sa Cebu Light Industrial Park sa Barangay…

Read More