P.5-M, ALAHAS, ARMAS NATANGAY SA BAHAY NG RETIRADONG PULIS

PINASOK ng hinihinalang mga akyat-bahay ang bahay ng isang retiradong pulis at natangay ng tinatayang kalahating milyong pisong halaga ng salapi at mga alahas bukod pa sa ilang pirasong baril sa Lucena City. Sa ibinahaging ulat ng Lucena City PNP nitong Linggo ng umaga, sinalakay ng mga magnanakaw ang bahay ng 70-anyos na retiradong pulis na kasalukuyang nagbabakasyon sa United States. Kinilala lamang ang biktimang si alyas “Vic,” at asawa nitong si “Hedy,” 71, naninirahan sa isang subdivision sa Barangay Gulang-Gulang. Ayon sa imbestigasyon, natuklasan lamang ang panloloob ng mga…

Read More

3 PANG NPA NAPATAY NG MILITAR

MULING nalagasan ang nalalabing bilang ng rebeldeng New People’s Army o NPA, matapos ang serye ng sagupaan sa bukiring bahagi ng Sitio Bulacan, Barangay Bolhoon, San Miguel, Surigao del Sur. Ayon kay Col. Glenn Joy Aynera, Acting Brigade Commander ng 401st Infantry “Unite N’ Fight” Brigade, noong Biyernes, bandang alas-12:00 ng tanghali nang mangyari ang unang sagupaan laban sa Regional Operations Command ng North Eastern Mindanao Committee, na pinangungunahan ni Edilberto Reponte Daval, o alyas “Ka Bong” o “Wako”. Sa kasagsagan ng palitan ng putok, napilitang tumakas ang mga communist…

Read More

P31.5-M IPINAMAHAGI NG MALOLOS LGU SA TRANSPORT SECTOR

NASA kabuuang 10,527 indibidwal mula sa sektor ng transportasyon, ang nakatanggap na ng P3,000 fuel subsidy mula sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Malolos. Ayon kay Malolos City Mayor Atty. Christian D. Natividad, nagkakahalaga ng tig-P3,000 fuel subsidy o financial assistance ang naipamahagi na ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa mga apektadong driver at operator mula sa sektor ng transportasyon. Ito ay bunsod sa patuloy na krisis na kinahaharap ng maraming bansa dahil sa kaguluhan sa Middle East. Nabatid na nang sumiklab ang giyera sa Middle East at nagsimulang…

Read More

Malaking smuggling bust: 22 containers ng unsafe food, nasabat ng Aduana

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA gitna ng patuloy na banta sa kaligtasan ng pagkain sa bansa, muling pinatunayan ng Bureau of Customs (BOC) na hindi natutulog ang laban kontra smuggling nang masabat ang 22 abandonadong refrigerated containers na naglalaman ng umano’y kontaminadong frozen meat at isda na tinatayang nagkakahalaga ng P178 milyon. Pinangunahan ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang inspeksyon sa mga kargamentong nagmula sa iba’t ibang bansa, kabilang ang Brazil, Netherlands, United States, United Kingdom, France, at Australia. Ayon sa ulat, naglalaman ang mga shipment ng…

Read More

APPOINTMENT NG PINSAN NI NEPOMUCENO SA BOC, KINUWESTYON

CLICKBAIT ni JO BARLIZO HINDI tanggap ng grupo ng mga empleyado at stakeholders ng Bureau of Customs (BOC) ang pagkakatalaga sa naturang ahensya ng isang kaanak umano ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno. Malinaw anilang paglabag sa prinsipyo ng Nepotismo ang pagtatalaga kay Intelligence Officer 3 Paul Oliver Nepomuceno – Pacunayen, umano’y pinsan ng BOC chief, bilang Field Station Chief ng Customs Intelligence and Investigation Service sa Port of Manila. Kaya naman naghain ang mga ito ng reklamo kay Finance Secretary Frederick Go, at kinuwestyon ang Customs Personnel Order na nilagdaan…

Read More

IMBENTONG KASO LABAN KAY ESCUDERO, MAHINA KUNG SUSUNDIN ANG BATAS

LINAWIN NATIN ni ARDEE DELLOMAS MAY inihahandang plunder case ang Ombudsman laban kay dating House Speaker Martin Romualdez, ngunit idinadamay ni Boying Remulla si Senator Chiz Escudero. Kung plunder ang akusasyon, nasaan ang yaman? Sa ilalim ng Republic Act No. 7080 o Anti-Plunder Act, malinaw ang requirement. Dapat may ill-gotten wealth, o yaman na nakuha at naipon mula sa ilegal na gawain at hindi maipaliwanag ang pinagmulan. Kung wala nito, walang plunder case. Hindi sapat ang paratang. Kailangan may ebidensya ng aktwal na pagyaman o “actual enrichment.” Sa mga lumabas…

Read More

200 KAWANI NG SABUNGAN BALIK TRABAHO NA

IKINATUWA ng humigit kumulang sa 200 trabahador ng isang sabungan sa Maynila na sinalakay ng mga pulis nang walang kaukulang search warrant, at nagpahayag ng pasasalamat na pumabor sa kanilang karaingan ang inilabas na writ of preliminary injunction na hiniling ng pamunuan ng Bienes De Manila Development Corporation para muling makabalik sa kanilang trabaho. Nabatid na nagsimula nang muli ang operasyon ng Coliseo de Manila sa Vitas, Tondo kasunod ng isinagawang pagsisilbi ng Sheriff Office ng City of Manila Justiciary, ng ibinabang kautusan ng Manila RTC Branch na nag-aatas sa…

Read More

PUGANTENG KOREANO, ARESTADO NG BI

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Korean national na sangkot sa pagpapatakbo ng ilegal na online gambling operations. Sa pakikipag-ugnayan sa Korean National Police Agency at Philippine National Police–Integrity Monitoring and Enforcement Group, inaresto ng mga operatiba ng BI Fugitive Search Unit (FSU) si Lee Jonghak, 37, sa isang subdivision sa Pamplona Dos, Las Piñas City. Si Lee ay mayroong Interpol Red Notice na inilabas noong 2025, kaugnay ng arrest warrant na inisyu ng Incheon District Court sa parehong taon dahil sa paglabag sa National Sports Promotion…

Read More

6 PCG PERSONNEL ARESTADO SA PUSLIT NA SIGARILYO

INARESTO ng Philippine National Police (PNP) ang anim na aktibong miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) at isang sibilyan sa anti-smuggling operation sa Naawan, Misamis Oriental. Ayon sa ulat, nahuli umano ang mga suspek na nagbababa ng mga kahon ng hinihinalang smuggled cigarettes mula sa isang fishing vessel at inililipat sa isang L300 van. Nakumpiska ang 205 master cases ng sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit P3 milyon, bukod sa sasakyang ginamit sa operasyon. Ipinasa ang mga kontrabando sa Bureau of Customs, habang nasa kustodiya ng PNP Maritime Unit ang mga…

Read More