INARESTO ng Philippine National Police (PNP) ang anim na aktibong miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) at isang sibilyan sa anti-smuggling operation sa Naawan, Misamis Oriental.
Ayon sa ulat, nahuli umano ang mga suspek na nagbababa ng mga kahon ng hinihinalang smuggled cigarettes mula sa isang fishing vessel at inililipat sa isang L300 van.
Nakumpiska ang 205 master cases ng sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit P3 milyon, bukod sa sasakyang ginamit sa operasyon. Ipinasa ang mga kontrabando sa Bureau of Customs, habang nasa kustodiya ng PNP Maritime Unit ang mga suspek.
Inatasan ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang CIDG na tiyakin ang matibay na kaso laban sa mga naaresto, habang nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa pamunuan ng PCG para sa imbestigasyon.
Sa hiwalay na operasyon sa Sarangani, dalawang lalaki ang naaresto at nasabat ang nasa P202,000 halaga ng puslit na sigarilyo sa isang checkpoint.
(JESSE RUIZ)
98 