PANUKALA SA OIL PRICE CONTROL INIHAIN SA KAMARA

NAGHAIN si Manila Rep. Joel Chua ng panukalang batas na magbabalik sa kapangyarihan ng gobyerno na makialam sa presyo ng langis upang maprotektahan ang mga mamimili laban sa biglaang pagtaas.

Sa ilalim ng House Bill No. 8839 o “Fuel Price Stabilization and Energy Security Act,” iminungkahi ang paglikha ng Fuel Regulatory Board na maaaring magtakda ng price ceiling o price band, at magsiyasat sa anti-competitive practices.

Kasama rin ang pagtatatag ng Oil Price Stabilization Fund upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo, at Strategic Fuel Reserve kung saan bibili at mag-iimbak ng langis ang pamahalaan kapag mababa ang presyo.

Ayon kay Chua, layunin ng panukala na baguhin ang umiiral na oil deregulation system at bigyan ng mas aktibong papel ang gobyerno sa pagprotekta sa publiko at ekonomiya.

(TINA MENDOZA)

80

Related posts

Leave a Comment