PANUKALA SA OIL PRICE CONTROL INIHAIN SA KAMARA

NAGHAIN si Manila Rep. Joel Chua ng panukalang batas na magbabalik sa kapangyarihan ng gobyerno na makialam sa presyo ng langis upang maprotektahan ang mga mamimili laban sa biglaang pagtaas. Sa ilalim ng House Bill No. 8839 o “Fuel Price Stabilization and Energy Security Act,” iminungkahi ang paglikha ng Fuel Regulatory Board na maaaring magtakda ng price ceiling o price band, at magsiyasat sa anti-competitive practices. Kasama rin ang pagtatatag ng Oil Price Stabilization Fund upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo, at Strategic Fuel Reserve kung saan bibili…

Read More

ILLEGAL GAMBLING CRACKDOWN IKINASA NG QCPD

NAGSASAGAWA ngayon ng crackdown ang mga miyembro Quezon City Police District laban sa illegal gambling sa lungsod matapos ireklamo ng mga residente dahil sa pagkalulong ng kanilang mga anak sa sugal. Nauna nang nakatanggap ng mga reklamo ang SAKSI NGAYON na isang Wilfredo Israel o alyas “Boy Kamote” ang nagpapatakbo umano ng bookies o Small Town Lottery (STL) sa Kyusi. Ayon sa ilang concerned citizens, sakop daw nito ang District 1 subalit unti-unting lumaganap sa lima pang distrito. Karamihan umano sa parukyano ng illegal gambling ni Boy Kamote ay pawang…

Read More

QC NAGTALA NG 143 KASO NG TIGDAS

NAKAPAGTALA ang Quezon City ng 143 kaso ng tigdas mula Enero 1 hanggang Abril 15, ayon sa lokal na pamahalaan. Sa bilang na ito, 23 kaso ay sanggol na hindi pa maaaring bakunahan at umaasa lamang sa proteksyon ng komunidad o herd immunity. Ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, nananatiling mataas ang panganib sa mga hindi nabakunahan, lalo na sa mga batang 10 taong gulang pababa. Hinikayat ng pamahalaang lungsod ang publiko na magpabakuna at sundin ang health measures, habang pinayuhan ang may sintomas na agad magpatingin sa…

Read More

SALAYSAY NI BERNARDO SA FLOOD SCANDAL, SUSUBOK SA LIMITASYON NG ‘STATE WITNESS’ RULE

INAASAHANG magbibigay-linaw sa paggamit ng state witness ang nalalapit na testimonya ni dating Public Works undersecretary Roberto Bernardo kaugnay ng umano’y multi-bilyong pisong anomalya sa mga proyektong flood control. Nakatakdang humarap si Bernardo sa Sandiganbayan Third Division sa Huwebes, Abril 23, sa gitna ng mga tanong kung ang kanyang pagkakatalaga bilang state witness ay naaayon sa mga itinakdang pamantayan sa ilalim ng batas ng Pilipinas. Sa ilalim ng umiiral na alituntunin, ang isang state witness ay hindi dapat ang pangunahing may sala sa krimen, at ang kanyang testimonya ay kailangang…

Read More

SOLUSYON SA KRISIS AT PANANAGUTAN SA FLOOD MESS PAGSABAYIN – SEN. ERWIN TULFO

BINIGYANG-DIIN ni Senate Blue Ribbon Vice Chairman Erwin Tulfo na habang prayoridad ang pangmatagalang solusyon sa krisis dulot ng giyera sa Middle East, hindi dapat isantabi ang pagpapanagot sa mga nasa likod ng “flood control mess” sa bansa. “Dapat nating unahin ang epekto ng nagpapatuloy na giyera, lalo na ang pagpigil sa nagtataasang presyo ng mga bilihin. Paano na lang kung tamaan pa tayo ng mga kalamidad? Kailangan nating ayusin ang isang long-term plan,” pahayag ni Tulfo sa isang panayam. Dahil sa patuloy na tensyon sa pagitan ng US-Israel at…

Read More

VIP PRISONERS GATASAN SA BUCOR?

MAUGONG ngayon ang usapan hinggil sa pamemera umano ng mga tiwaling opisyal at kawani ng Bureau of Corrections (BuCor) sa ilang mayayamang bilanggo kapalit ng VIP treatment. Sa ulat, sa ilalim ng pamumuno ni Director General Gregorio Pio Catapang, maraming dayuhan ang namumuhay na parang mga hari sa loob ng mga bilangguan na pinatatakbo ng BuCor sa iba’t ibang panig ng bansa. Isa na umano rito ang notorious drug kingpin na si Park Wangyeol, aka “Worldwide” na kahit nakakulong ay tuloy-tuloy ang negosyo sa ilegal na droga. Si Park ay…

Read More

MSMEs HINIKAYAT MAKIISA SA P4-B LOAN PROGRAM

HINIMOK ng Malacañang ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) na apektado ng tensyon sa Gitnang Silangan na mag-avail ng P4-bilyong emergency loan program ng gobyerno. Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, layunin nitong tulungan ang mga negosyo na makayanan ang tumataas na gastos at kakulangan sa cash flow dulot ng global disruptions. Sa ilalim ng programa ng DTI at SB Corp., maaaring umutang ang MSMEs ng P30,000 hanggang P20 milyon, na may mababang interes at hanggang limang taong bayaran, kabilang ang one-year grace period. Tinatayang 7 hanggang 10…

Read More

AMYENDA SA PUBLIC SERVICE ACT HIRIT NG LCSP

NANAWAGAN ang grupong Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa Kongreso na amyendahan ang Public Service Act upang malinaw na kilalanin bilang public transport ang app-based transport services. Ito ay kasunod ng nadiskubreng hindi tugmang listahan ng mga TNVS at motorcycle drivers sa pamamahagi ng ayuda, na nais imbestigahan ng ilang mambabatas. Sa ilalim ng kasalukuyang batas, hindi itinuturing na public utility vehicles ang mga sasakyang konektado sa transport network companies (TNCs), bagamat sakop pa rin sila ng regulasyon ng gobyerno. Gayunman, naniniwala ang LCSP na ang nasabing “exception”…

Read More

POLICE TRAINING INSTRUCTOR NA INAKUSAHAN NG RAPE, NASA RESTRICTIVE CUSTODY NA

NASA restrictive custody na ang isang police training instructor matapos akusahan ng panggagahasa sa isang babaeng trainee sa Baguio City. Ayon sa Philippine National Police (PNP), iniutos ni Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang agarang pagdisarma at paglipat sa suspek sa training headquarters sa Laguna habang inihahanda ang kasong kriminal at administratibo. Naghain ng reklamo ang 23-anyos na police aspirant noong Abril 13, kung saan inilahad na dalawang beses umano siyang minolestiya—noong Enero 20 at Pebrero 8—sa loob ng Cordillera Administrative Region Training Center. Pinaalalahanan ni Nartatez ang mga…

Read More