PUNA ni JOEL O. AMONGO ISA sa mga haligi ng isang demokratikong bansa ang pagkakaroon ng mga institusyong may kakayahang magpasya nang malaya at hindi naiimpluwensiyahan ng alinmang sangay ng pamahalaan. Kaya naman naging sentro ng usapin nito kahapon ang pagbabago sa liderato ng Senado kasunod ng pagpapatalsik sa dating Senate President na si Alan Peter Cayetano at ang pag-upo ni Sherwin Gatchalian bilang bagong pinuno ng kapulungan. Hindi maikakaila na ang naturang pagbabago ay agad nagbunga ng samu’t saring haka-haka at pagsusuri mula sa iba’t ibang sektor. Para sa…
Read MoreDay: June 17, 2026
ANG TAPANG AY HINDI DAPAT IBINABASE SA KAMAO
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN MAY isang bagay na matagal ko nang hindi maintindihan. Bakit sa tuwing may gulo, laging may mga taong naniniwalang ang pinakamatapang ay ang pinakahanda sa suntukan? Para bang ang lakas ng loob ay nasusukat sa lakas ng kamao. Kapag lumaban ka, matapang ka. Kapag gumanti ka, matapang ka. Kapag umatras ka, mahina ka. Sa tingin ko, baligtad ang pagtinging iyan. Mas madaling magalit kaysa magpigil. Mas madaling sumigaw kaysa manahimik. Mas madaling gumanti kaysa umiwas. Hindi kailangan ng matinding disiplina para magpadala sa bugso…
Read MoreBALGOMERA NAKAKUHA NG P10.890-B SA BOC PORT OF LIMAY SA BATAAN
On The Level Ni JUNEX DORONIO SA gitna ng mga hamon sa ekonomiya at pabago-bagong galaw ng pandaigdigang kalakalan, may mga kuwento ng tagumpay na tunay na nagbibigay inspirasyon—at isa na rito ang patuloy na pag-angat ng Port of Limay sa Bataan sa ilalim ng pamumuno ni District Collector Atty. Kriden F. Balgomera. Hindi basta numero ang P10.890 bilyong koleksyon noong Mayo 2026. Ito ay sumasalamin sa disiplina, husay, at dedikasyon ng isang ahensyang seryosong ginagampanan ang tungkulin nito sa bayan. Sa target na P8.735 bilyon, ang paglampas ng higit…
Read More92 PUGANTENG MAY SEXUAL OFFENSES, VAWC CASES ARESTADO NG PNP-CIDG
ARESTADO ng PNP-CIDG ang 92 pugante na may kinahaharap na kasong rape, sexual abuse, child abuse, at Violence Against Women and their Children (VAWC) sa isinagawang operasyon sa buong bansa simula Hunyo 1 hanggang 15. Batay sa inilabas na datos ng CIDG, ang 42 indibidwal na inaresto ay mula sa Luzon, habang ang 14 ay mula sa Visayas at 33 indibidwal naman ang mula sa Mindanao. Sa nasabing bilang, 30 ang tinaguriang Regional Most Wanted Persons, habang 29 ang Provincial Most Wanted Persons at 7 ang City o Municipal Most…
Read MoreDATING AFP RESERVIST, NAHULIHAN NG BARIL
ARESTADO ang isang dating AFP reservist makaraang mahulihan ng baril nang tutukan ang ilang awtoridad na nagsasagawa ng inventory sa buy-bust operation, nang mapagkamalang mga tambay sa Dasmariñas City, Cavite noong Martes ng umaga. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang naarestong suspek na si alyas “Raymart”. Ayon sa ulat, nagsasagawa ng inventory operation sa isang buy-bust operation ang personnel ng Dasmariñas CPS Intel Operatives bandang alas-3:00 ng madaling araw sa Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City, nang dumating ang suspek at umihi sa…
Read MoreDOJ: SENATE BUILDING HINDI ‘UNDER ATTACK’ NOONG MAY 13
LUMABAS sa inisyal na imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) Special Panel of Prosecutors na hindi “under attack” ang Senate building nang maganap ang insidente ng putukan sa Senado noong Mayo 13, 2026. Sa press conference kahapon, sinabi ni DOJ Secretary Fredderick Vida na maging ang naging hakbang ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) noong araw na iyon ay hindi katanggap-tanggap ayon sa paunang pagsusuri ng prosekusyon. Ayon sa DOJ, lumitaw rin sa imbestigasyon na sinubukan ng National Bureau of Investigation (NBI) na ipatupad ang arrest warrant ng International…
Read MorePUBLIKO HINIMOK MAKIISA SA SECOND QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL
HINIKAYAT ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko na makiisa sa isasagawang Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong Huwebes, Hunyo 18, bilang bahagi ng pagpapalakas ng kahandaan sa mga sakuna. Ang panawagan ay ginawa kasunod ng naganap na magnitude 7.8 na lindol sa Southern Mindanao. Ayon sa NDRRMC, magsisimula ang programa alas-8:00 ng umaga sa pamamagitan ng ceremonial pressing of the button, habang alas-9:00 naman ng umaga ang pagpapatunog ng sirena bilang hudyat ng sabay-sabay na pagsasagawa ng “Duck, Cover, and Hold” ng mga…
Read MoreADIONG DINIPENSAHAN ANG ANTI-POLITICAL DYNASTY BILL
MARIING pinabulaanan ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang mga puna na “watered down” o pinalabnaw ang inaprubahang Anti-Political Dynasty Bill ng Kamara. Ayon kay Adiong, chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, direktang tinatarget ng panukala ang monopolyo ng kapangyarihang pampulitika habang pinoprotektahan pa rin ang demokratikong karapatan ng mga botante. “On the contrary, it actually addresses the very core problem of the monopoly of power exercised by one family within one locality,” ani Adiong. Noong Hunyo 3, ipinasa ng House of Representatives sa ikatlo…
Read MoreCAYETANO: SENATE LEADERSHIP ROW, NAKAUGAT SA FLOOD CONTROL PROBE
IGINIIT ni Senador Alan Peter Cayetano na hindi matatapos sa pagpapalit ng liderato ng Senado ang paghahanap ng katotohanan sa umano’y mga iregularidad sa flood control program ng pamahalaan. Sa isang online statement nitong Hunyo 17, nagpasalamat si Cayetano sa mga sumuporta sa kanya at kinilala ang mga kaalyadong nanindigan sa kanyang panig sa gitna ng sigalot sa Senado. Kasabay nito, tiniyak niyang ipagpapatuloy niya ang pagtutok sa usapin ng pananagutan kaugnay ng flood control projects. Ayon kay Cayetano, hindi ang posisyon sa Senado ang tunay na isyu kundi ang…
Read More