ARESTADO ng PNP-CIDG ang 92 pugante na may kinahaharap na kasong rape, sexual abuse, child abuse, at Violence Against Women and their Children (VAWC) sa isinagawang operasyon sa buong bansa simula Hunyo 1 hanggang 15.
Batay sa inilabas na datos ng CIDG, ang 42 indibidwal na inaresto ay mula sa Luzon, habang ang 14 ay mula sa Visayas at 33 indibidwal naman ang mula sa Mindanao.
Sa nasabing bilang, 30 ang tinaguriang Regional Most Wanted Persons, habang 29 ang Provincial Most Wanted Persons at 7 ang City o Municipal Most Wanted Persons.
Sa mga naaresto, 53 indibidwal ang walang inirekomendang piyansa para sa kanilang mga kaso.
Samantala, isa sa mga mahalagang kinalabasan ng mga operasyon ay ang pagkakaaresto sa National Most Wanted Person sa Quezon Province para sa kasong qualified rape of a minor, na may patong sa ulo na P150,000.
(TOTO NABAJA)
125 