LUMABAS sa inisyal na imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) Special Panel of Prosecutors na hindi “under attack” ang Senate building nang maganap ang insidente ng putukan sa Senado noong Mayo 13, 2026.
Sa press conference kahapon, sinabi ni DOJ Secretary Fredderick Vida na maging ang naging hakbang ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) noong araw na iyon ay hindi katanggap-tanggap ayon sa paunang pagsusuri ng prosekusyon.
Ayon sa DOJ, lumitaw rin sa imbestigasyon na sinubukan ng National Bureau of Investigation (NBI) na ipatupad ang arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Kasabay nito, nagbabala ang DOJ na maaaring managot sa batas ang sinomang tumulong sa senador na makatakas o umiwas sa pag-aresto matapos maisapubliko ang selyadong warrant ng ICC.
Tiniyak naman ni Vida na masusing sinuri ng mga imbestigador ang insidente gamit ang mga ulat mula sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), testimonya ng mga saksi, media reports, forensic findings, documentary records at CCTV footage.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon upang matukoy ang buong detalye at pananagutan kaugnay ng naturang insidente.
(JULIET PACOT)
123 