TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakahanda ang mga sundalong nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa pagpasok ng typhoon season. Ayon sa AFP, nakahanda rin ang militar na magpadala ng karagdagang assets at suplay para sa mga sundalong nakabase sa naturang naval detachment kung kinakailangan. Sinabi ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad (Ret.) na patuloy na mino-monitor ng AFP ang kalagayan ng mga sundalong nakatalaga sa West Philippine Sea, hindi lamang sa BRP Sierra Madre, at nananatiling matatag ang communication lines na ginagamit upang…
Read MoreDay: June 28, 2026
Hindi nakatatawa VIRAL ‘HOLDAP PRANK’ NG DRIVER-VLOGGER KINONDENA NG LCSP
SUPORTADO ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang naging hakbang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na suspendihin ang operasyon ng isang EV taxi company kaugnay ng viral “holdap prank” na ginawa ng isang driver-vlogger at dalawang content creator na nagpanggap na mga holdaper. Ayon kay LCSP President Atty. Ariel Inton, hindi nakatatawa ang naturang content dahil nagdudulot ito ng takot sa publiko at sumasalungat sa kampanya ng LTFRB sa pamumuno ni Chairman Vigor Mendoza upang gawing ligtas ang pampublikong transportasyon. Aniya, hindi sapat ang 30-araw…
Read More2 BATANG NALUNOD SA QUEZON NAISALBA SA CPR NG MARINE ENGINEERING STUDENT
NAISALBA sa pamamagitan ng isinagawang cardiopulmonary resuscitation o CPR ng isang Marine Engineering student ang nalunod na dalawang bata sa bayan ng Catanauan sa lalawigan ng Quezon noong Sabado. Ayon sa ulat, dalawang batang taga-Brgy. Malaya, General Luna, Quezon ang nalunod sa isang beach resort sa Catanauan nang mapalayo sa pampang habang hinahabol ang isang nakalutang na bote. Wala nang malay ang mga bata nang maiahon ngunit agad nagsagawa ng CPR ang isang Marine Engineering student na si Von Untalan na nagkataon na naroon din sa lugar, hanggang sa muling…
Read MoreBOC UMAPELA NG SAMA-SAMANG PAGTUGON VS E-WASTE SHIPMENTS SA SUBIC
INIMBITAHAN ng Bureau of Customs (BOC) ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga stakeholder upang pag-usapan at aksyunan ang isyu ng umano’y pagpasok ng electronic waste (e-waste) shipments sa Pilipinas. Ayon sa BOC, nagpatawag ito ng coordination meeting kasunod ng panawagan ng isang environmental protection group na agarang tugunan ang nakatambak na electronic waste sa Subic Freeport. Layunin ng pagpupulong na pag-isahin ang lahat ng sangkot na ahensya upang mas maunawaan ang sitwasyon, malinaw na matukoy ang kani-kanilang tungkulin, matiyak ang pagsunod sa umiiral na mga batas at regulasyon,…
Read MoreONLINE PLATFORM PARA MAMONITOR BUDGET AT GASTOS NG GOBYERNO INILUNSAD
BINUKSAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko ang digital transparency platform na magbibigay-daan sa mga Pilipino na masubaybayan kung saan inilalaan at ginagastos ng pamahalaan ang pondo ng bayan. Kasabay nito, inilunsad din ng Pangulo ang updated Philippines Public Financial Management (PFM) Reforms Roadmap 2024–2028. Ayon kay Pangulong Marcos, ang pampublikong pondo ay pag-aari ng mamamayan kaya nararapat lamang na malinaw kung paano ito ginagamit para sa kapakinabangan ng lahat. Sinabi rin ng Pangulo na magsisilbing gabay ang PFM Reforms Roadmap upang higit pang mapalakas ang sistema ng pananagutan…
Read MoreSEGURIDAD SA MGA PAARALAN KAILANGAN PAIGTINGIN – IMEE
BINIGYANG-DIIN ni Senador Imee Marcos ang pangangailangang paigtingin ang umiiral na seguridad sa mga paaralan kasabay ng pagpapahayag ng kalungkutan sa nangyaring Tacloban school shooting. “Bilang isang Waray, masakit ito para sa akin. Dapat sana nag-eensayo ang mga bata para sa parada sa pista, pero nauwi sa trahedya. Hindi ko matanggap na mga bata ang biktima, tapos mga menor de edad din ang may gawa,” sabi ni Marcos. Ayon sa senador, hindi lamang ang insidente ng pamamaril ang dapat imbestigahan kundi pati ang pinagmulan ng mga baril, ang kakulangan sa…
Read More