RAPIDO ni PATRICK TULFO ISA sa mga reklamo na aming natanggap at inaksyunan ay ang laban sa isang travel agency na matatagpuan sa Makati City. Ito ang S&G Travel and Tours na may opisina sa Unit 249, Cityland Towers, Calle Estacion, Brgy. Del Pilar, Makati City. Ayon sa aming complainant na si Jen Alamo, kumuha sila ng tour package para sa Hong Kong at Macau sa S&G Travel and Tours at nagbayad ng halos 200 thousand pesos para rito. Pero hindi natuloy ang kanilang pag-alis noong Marso at nalaman lang…
Read MoreDay: June 30, 2026
NEPOMUCENO RESCUE: BALIKBAYAN BOXES, SA WAKAS NAI-DELIVER NA!
On the Level Ni JUNEX DORONIO SA LOOB ng mahabang panahon, tila naging simbolo ng pangungulila at pagkadismaya ang mga balikbayan box na hindi dumarating. Para sa libo-libong OFWs, hindi lang ito kahon—ito ay pagmamahal, sakripisyo, at pangarap na ipinadadala sa kanilang pamilya sa Pilipinas. Kaya naman nang mabalitang mahigit 42,000 kahon ang na-stranded sa mga pantalan, tila muling nabuksan ang sugat ng kawalang tiwala. Ngunit sa gitna ng problemang ito, may isang lider na kumilos—si Bureau of Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno. Ayon sa ulat, ang ugat ng problema…
Read MorePAGGAMIT NG CELLPHONE NG KABATAAN DAPAT BANG IPAGBAWAL?
LINAWIN NATIN ni ARDEE DELLOMAS BUNSOD ng nangyaring marahas na insidente sa isang paaralan na ikinamatay ng tatlong estudyante at ikinasugat ng mahigit sampu pang kabataan, nagkaroon ng mga pagtatalo kung dapat bang ipagbawal sa mga estudyante ang pagdadala o paggamit ng cellphone sa loob ng mga paaralan. May mga balidong dahilan ang mga nagmungkahing tuluyang ipagbawal ang pagdadala ng cellphone ng mga estudyante sa paaralan dahil sa nasaksihang karahasan na ang itinuturong dahilan ay ang pagkababad sa cellphone ng mga kabataan ang puno’t dulo ng kaguluhan. Ayaw na nilang…
Read MorePLANONG MASS SHOOTING SA ESKUWELAHAN, NAPIGILAN SA SUMBONG NG ESTUDYANTE
NAHARANG ng mga awtoridad ang planong mass shooting sa loob ng General Mariano Alvarez Technical High School sa Cavite matapos isumbong ng isang Grade 10 student ang umano’y balak ng kanyang 15-anyos na kaklase. Hawak na ngayon ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) ang menor de edad na suspek na si alyas “Emman” para sa kaukulang intervention. Ayon sa mga guro, agad silang nakatanggap ng impormasyon mula sa isa ring 15-anyos na estudyante tungkol sa planong pamamaril kaya mabilis na naabisuhan ang pulisya. Sa imbestigasyon, sinabi ng ina ng…
Read MoreESTUDYANTENG NAKASAGIP NG 2 BATANG NALUNOD, NAGING INSPIRASYON
NAGING inspirasyon ng kanyang mga guro at kaklase ang matagumpay na pagsagip ng isang Marine Transportation student sa dalawang batang nalunod sa isang beach resort kamakailan. Patunay ang ginawa ni Von Untalan, 20-anyos, na kahit basic knowledge lang sa emergency training, kapag ginamit nang wasto at tamang oras, ay sapat na para makaligtas ng buhay. Wala sa isip ni Untalan na siya ay magiging bayani noong Sabado, Hunyo 27, pero iyon mismo ang nangyari nang mapansin niya ang dalawang batang walang malay matapos malunod sa isang beach resort. Habang nagpapahinga…
Read More2 ESKWELAHAN SA CAVITE NAKATANGGAP NG PAGBABANTA
DALAWANG eskuwelahan sa lalawigan ng Cavite ang nakatanggap ng magkahiwalay na pagbabanta, sinabing may sasaksakin na estudyante, habang ang isa naman ay umano’y pasasabugin. Ayon sa ulat, dakong ala-1:50 ng hapon nang nakatanggap ang isang guro mula sa Cavite National High School sa Barangay 31, Cavite City, ng mensahe mula sa Facebook account ng isang Agatha Pacho na nakasaad na, “Sabihin mo sa Principal kapag di niya sinuspinde bukas, mananaksak ako.” Gayunman, ang nasabing eskuwelahan ay naka-Modular Distance Learning (MDL) simula pa noong nakaraang linggo kaya wala pang mga estudyanteng…
Read MoreTAAL VOLCANO MULING NAGBUGA NG ABO
MULING nagpakawala ng abo at usok ang Bulkang Taal matapos maitala ang panibagong minor phreatomagmatic eruption bandang alas-2:34 ng hapon nitong Martes, ilang oras lamang matapos ang naunang pagputok dakong umaga. Ayon sa PHIVOLCS, tumagal ng apat at kalahating minuto ang pagsabog at binubuo ito ng tatlong magkakasunod na bugso na nagbuga ng maitim na abo at steam plume na umabot sa tinatayang 1,200 metro ang taas bago tinangay ng hangin pa northwest. Mas mataas ito kumpara sa naitalang 450 metrong ash plume sa minor eruption na naganap bandang alas-7:13…
Read More4 arestado, 2 pulis sugatan EDSA NAPARALISA SA ‘SURPRISE’ RALLY NG INC
TINATAYANG nasa 10,000 miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) ang naglunsad ng biglaang kilos-protesta sa People Power Monument sa kahabaan ng EDSA at sa White Plains Avenue sa Quezon City, gayundin sa Liwasang Bonifacio sa Maynila, kahapon. Ayon sa Philippine National Police-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO), nanatiling “generally peaceful” ang pagtitipon sa kabila ng ilang insidente ng komprontasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng apat na katao at pagkakasugat ng dalawang pulis. Sinabi ni Police Major Hazel Asilo, tagapagsalita ng NCRPO, na kabilang sa mga naaresto ang driver ng isang…
Read MoreMMDA PINAKILOS ANG EOC SA GITNA NG EDSA RALLY
INAKTIBO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Emergency Operations Center (EOC) upang mapabilis ang koordinasyon sa iba pang ahensiya ng pamahalaan kaugnay ng isinagawang pagtitipon sa EDSA. Ayon kay MMDA General Manager Usec. Nicolas Torre III, nagdeploy ang ahensiya ng karagdagang traffic personnel katuwang ang Philippine National Police sa kahabaan ng EDSA, partikular sa People Power Monument sa Quezon City. Sa direktiba ni MMDA Chairman Atty. Don Artes, agad na tinikitan at itinow ang mga sasakyang iligal na nakaparada sa EDSA-White Plains Avenue. Patuloy ring mino-monitor nina MMDA Assistant…
Read More