PUBLIKO PINAG-IINGAT NG DOH; BAGONG KASO NG COVID-19 NAITALA SA MAYNILA

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) at hinikayat ang publiko na manatiling mapagmatyag matapos makapagtala ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Maynila.

Batay sa ulat noong Hulyo 16, nakapagtala ang lungsod ng tatlong bagong kaso ng COVID-19, isang kaso ng leptospirosis, at tatlong kaso ng dengue.

Wala namang naitalang bagong kaso ng cholera, typhoid fever, influenza-like illness, at severe acute respiratory infection.

Mula Enero 1 hanggang Hulyo 16, umabot na sa 1,961 ang kabuuang kaso ng dengue, 773 ang influenza-like illness, 240 ang severe acute respiratory infection, 94 ang leptospirosis, 60 ang COVID-19, 57 ang typhoid fever, at tatlo ang cholera.

Pinaalalahanan ng Manila Health Department (MHD) ang mga residente na panatilihing malinis ang kapaligiran, alisin ang mga naipong tubig, uminom ng malinis na tubig, at agad magpakonsulta sa pinakamalapit na health center sakaling makaranas ng sintomas ng sakit.

(JULIET PACOT)

76

Related posts

Leave a Comment