PUNA ni JOEL O. AMONGO MULING naging sentro ng pambansang usapin ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Hulyo 27, 2026. Tulad ng inaasahan, inilatag ng Pangulo ang mga plano, programa, at direksyon ng kanyang administrasyon para sa nalalabing bahagi ng kanyang termino. Gayunman, sa halip na purihin ang nilalaman ng talumpati, may mga political analyst na nagpahayag ng pagdududa sa mga bagong pangakong inilatag ng Pangulo. Isa sa mga nagsalita ay si Prof. Anna Malindog-Uy, na nagsabing “misleading” umano ang naging…
Read MoreDay: July 29, 2026
RESET BUTTON O TRAP?
CLICKBAIT ni JO BARLIZO SINO ba naman ang ayaw ng kapayapaan? Sa buhay at sa pulitika, mas masarap ang walang kaaway. Kaya naman nang ihayag ng Palasyo na nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na i-“reset” ang relasyon ng Pilipinas at China matapos makipagpulong kay Chinese Ambassador Jing Quan nitong Hulyo 23, marami ang napabigkas ng: “Sana nga.” Pero teka lang. Bago tayo magdiwang at mag-ipon ng confetti para sa panibagong “Friendship Goals,” magpalamig muna tayo ng ulo. Sa geopolitics kasi, ang pindutin ang reset button ay hindi kasing…
Read MoreKAPAG ANG HUSTISYA AY NAUWI SA CLOUT
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN MAY mga balitang hindi dapat ginagawang palabas. Para sa akin, isa na rito ang sinapit ni Rene Baterbonia. Isang batang atleta ang namatay sa isang trahedya. Isang pamilya ang nagluluksa. Isang komunidad ang naghahanap ng sagot. Pero habang tumatagal, parang may ibang kuwento nang nabubuo. Hindi na lang tungkol sa paghahanap ng hustisya. Unti-unti na rin itong naging content. Nauunawaan ko ang galit ng publiko. Hanggang ngayon ay marami pa ring gustong malaman ang buong nangyari. Patuloy rin ang imbestigasyon upang matukoy kung may…
Read MoreDOJ TINIYAK MAHIGPIT NA PAKIKIPAGTULUNGAN SA OMBUDSMAN SA KASO NG FLOOD CONTROL PROJECTS
TINIYAK ng Department of Justice (DOJ) ang mahigpit na pakikipagtulungan sa Office of the Ombudsman upang makabuo ng matitibay na kasong may kaugnayan sa umano’y maanomalyang flood control projects. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, layunin ng dalawang ahensya na makapaghain ng mga kasong nakabatay sa matibay na ebidensya at makatatayo sa korte. Sinabi ni Martinez na umaayon ito sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na papanagutin ang mga opisyal na sumira sa tiwala ng publiko. Batay sa ulat,…
Read MorePOST-SONA DAVAO TRIP NI PBBM, PATUNAY NG PAMAMAHALANG WALANG PINAPABORAN – RECTO
IGINIIT ni Executive Secretary Ralph Recto na ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Davao Region isang araw matapos ang kanyang State of the Nation Address (SONA) ay sumasalamin sa pamamahalang “fair and without favoritism.” Sa kanyang pagbisita, pinangunahan ng Pangulo ang pamamahagi ng halos P133 milyong halaga ng agricultural machinery, farm inputs at fisheries assistance sa Davao de Oro, ininspeksyon ang Davao de Oro Provincial Hospital-Montevista, at nag-turn over ng P113 milyong Socio-Civic Projects Fund assistance para sa 565 barangay sa tatlong lalawigan sa Davao Region. Bumisita…
Read MoreMARCOLETA AT JINGGOY, NASA HURISDIKSYON NA NG SANDIGANBAYAN – MALAKANYANG
SINABI ng Malakanyang na nasa hurisdiksyon na ng Sandiganbayan sina Sen. Rodante Marcoleta at Sen. Jinggoy Estrada kaya ang anomang magiging desisyon ng Senate impeachment court sa kanilang pagdalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ay hindi mananaig. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro, nasa Sandiganbayan na ang kapangyarihan kaugnay ng katayuan ng dalawang senador. Nauna nang hiniling ni Marcoleta, na nakaditine dahil sa kinahaharap na kasong plunder, sa impeachment court na humanap ng paraan upang makalahok sila ni Estrada…
Read MoreTESTIMONYA NG 2 LANDBANK MANAGERS TUMUGMA SA NAUNANG SALAYSAY NI MADRIAGA – ADIONG
IGINIIT ni House Trial Spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na tumugma ang testimonya ng dalawang dating LandBank managers sa naunang salaysay ni Ramil Madriaga kaugnay ng umano’y pamamahagi ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte. Sa press conference matapos ang ika-10 araw ng impeachment trial, sinabi ni Adiong na magkatulad ang mga detalyeng ibinahagi nina retired LandBank Shaw Boulevard Branch Manager Violeta Constantino, dating LandBank DepEd Branch Manager Nenita Camposano at Madriaga, kabilang ang petsa ng mga transaksyon, uri ng mga bag na pinaglagyan ng…
Read MoreIbinida ng Manila LGU PAGBAHA MATUTUKOY NG AI-POWERED DRONE
IBINIDA ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso na kaya nang matukoy ng AI-powered drone ang pagbaha sa Maynila, dalawang oras bago mangyari, gamit ang ArcGIS mapping. Ang nasabing drone ay may 3D mapping na bahagi ng mga hakbangin ng pamahalaang lungsod para sa digital transformation. “Kaya natin ma-predict kung magbabaha sa kwentada ng buhos ng tubig, ‘yung volume sa elevation ng lupa natin, at kung na-mapping natin ang lahat ng drainage. Easily, in a matter of few minutes madi-detect mo na itong lugar na ‘to magbabaha 2 hours thereafter,” ani Domagoso.…
Read MorePNP MAY LEAD NA SA ITINANIM NA BOMBA SA DOJ, SENADO
INIHAYAG ng Philippine National Police na meron na silang sinusundang lead sa itinanim na improvised explosive devices sa Department of Justice sa Maynila at sa Senado sa Pasay City noong Hulyo 27, araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon kay PNP chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr., tuloy-tuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang mga responsable sa dalawang insidente. Nauna nang sinabi ni Nartatez na isa sa mga anggulong tinitingnan ng mga awtoridad ay ang posibilidad na magkaugnay ang dalawang insidente.…
Read More