CAYETANO INUSISA PAGSUSURI NG MGA BANGKO SA MALALAKING WITHDRAWAL NG GOV’T AGENCIES

INUSISA ni Senator-Judge Alan Peter Cayetano kung paano sinusuri ng mga bangko ang malalaking cash withdrawal ng mga ahensya ng gobyerno kumpara sa mga transaksyon ng pribadong kliyente sa pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Kasunod ito ng testimonya ni retired LandBank Shaw Boulevard Branch Manager Violeta Constantino na inilarawang “unusual” ang apat na tig-P125 milyong tseke na in-encash ng Office of the Vice President.

Ipinaliwanag ni Constantino na hindi siya pamilyar sa mga detalye ng confidential at discretionary funds ng mga ahensya ng gobyerno.

Ayon kay Cayetano, sa mga pribadong kliyente ay maaaring matukoy ng bangko kung “unusual” ang isang transaksyon batay sa customer profile sa ilalim ng “know your customer” policy. Gayunman, sa mga transaksyon ng gobyerno, limitado ang kaalaman ng bangko sa paggamit ng discretionary funds kaya’t tinitingnan lamang kung maayos ang dokumento at awtorisado ang mga transaksyon.

Nilinaw din ni Cayetano na ang pagiging “unusual” ng isang transaksyon ay hindi nangangahulugang ilegal ito. Sumang-ayon si Constantino at sinabing wala siyang nakitang ilegal sa pag-encash ng mga tseke ng Office of the Vice President.

Binigyang-diin din ng senador ang pagkakaiba ng “usual” at “unusual” na transaksyon sa “covered” at “suspicious” transactions sa ilalim ng Anti-Money Laundering Act upang maiwasan ang maling interpretasyon ng publiko.

97

Related posts

Leave a Comment