PNP MAY LEAD NA SA ITINANIM NA BOMBA SA DOJ, SENADO

INIHAYAG ng Philippine National Police na meron na silang sinusundang lead sa itinanim na improvised explosive devices sa Department of Justice sa Maynila at sa Senado sa Pasay City noong Hulyo 27, araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay PNP chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr., tuloy-tuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang mga responsable sa dalawang insidente.

Nauna nang sinabi ni Nartatez na isa sa mga anggulong tinitingnan ng mga awtoridad ay ang posibilidad na magkaugnay ang dalawang insidente.

Aniya, posible umanong pananakot ang layunin subalit patuloy pa itong bineberipika bilang bahagi ng nagpapatuloy na imbestigasyon.

(TOTO NABAJA)

79

Related posts

Leave a Comment