TINIYAK ng Department of Justice (DOJ) ang mahigpit na pakikipagtulungan sa Office of the Ombudsman upang makabuo ng matitibay na kasong may kaugnayan sa umano’y maanomalyang flood control projects.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, layunin ng dalawang ahensya na makapaghain ng mga kasong nakabatay sa matibay na ebidensya at makatatayo sa korte.
Sinabi ni Martinez na umaayon ito sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na papanagutin ang mga opisyal na sumira sa tiwala ng publiko.
Batay sa ulat, umabot na sa mahigit P841.38 milyon ang naibalik sa National Treasury hanggang Hunyo 3, 2026 mula sa mga isinasagawang imbestigasyon.
Kabilang sa pinakamalalaking nagsauli ng pondo sina dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na nagbalik ng P500 milyon, dating DPWH District Engineer Henry Alcantara na nagsauli ng mahigit P181 milyon, dating DPWH-NCR Director Gerard Opulencia na nagbalik ng mahigit P140 milyon, at contractor na si Sally Santos ng Syms na nagsauli ng P20 milyon.
(JULIET PACOT)
83 