MARCOLETA AT JINGGOY, NASA HURISDIKSYON NA NG SANDIGANBAYAN – MALAKANYANG

SINABI ng Malakanyang na nasa hurisdiksyon na ng Sandiganbayan sina Sen. Rodante Marcoleta at Sen. Jinggoy Estrada kaya ang anomang magiging desisyon ng Senate impeachment court sa kanilang pagdalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ay hindi mananaig.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro, nasa Sandiganbayan na ang kapangyarihan kaugnay ng katayuan ng dalawang senador.

Nauna nang hiniling ni Marcoleta, na nakaditine dahil sa kinahaharap na kasong plunder, sa impeachment court na humanap ng paraan upang makalahok sila ni Estrada sa paglilitis.

Binanggit din ni Castro ang naging pananaw ni retired Associate Justice Antonio Carpio na ang mga opisyal na nakaditine dahil sa mga kasong graft at plunder ay dapat suspendihin habang nililitis ang kanilang mga kaso.

Idinagdag ni Castro na hindi rin pinapayagan ang mga nakakulong na abogado na magpraktis ng propesyon maliban kung sila mismo ang kumakatawan sa kanilang sarili. Aniya, nauna na ring ibinasura ng Sandiganbayan ang petisyon para sa piyansa ni Estrada.

(CHRISTIAN DALE)

72

Related posts

Leave a Comment