POST-SONA DAVAO TRIP NI PBBM, PATUNAY NG PAMAMAHALANG WALANG PINAPABORAN – RECTO

IGINIIT ni Executive Secretary Ralph Recto na ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Davao Region isang araw matapos ang kanyang State of the Nation Address (SONA) ay sumasalamin sa pamamahalang “fair and without favoritism.”

Sa kanyang pagbisita, pinangunahan ng Pangulo ang pamamahagi ng halos P133 milyong halaga ng agricultural machinery, farm inputs at fisheries assistance sa Davao de Oro, ininspeksyon ang Davao de Oro Provincial Hospital-Montevista, at nag-turn over ng P113 milyong Socio-Civic Projects Fund assistance para sa 565 barangay sa tatlong lalawigan sa Davao Region.

Bumisita rin si Pangulong Marcos sa Davao City upang inspeksyunin ang isang government housing project.

Pinabulaanan ni Recto ang mga ulat na layunin lamang ng mga pagbisita na palakasin ang epekto ng ika-5 SONA ng Pangulo.

Ayon kay Recto, walang pinipiling lugar ang Pangulo at nakabatay ang kanyang mga biyahe sa pangangailangan ng mga mamamayan, hindi sa pulitika o popularidad.

Idinagdag pa niya na nakatuon ang Pangulo sa pamamahala ng bansa at hindi sa paghahanda para sa halalan dahil hindi na ito maaaring tumakbo para sa panibagong termino.

(CHRISTIAN DALE)

91

Related posts

Leave a Comment