ZERO INCIDENT SA PAGSISIMULA NG BARMM ELECTION – PNP

INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) na wala pang naitalang election-related violent incidents nang magsimula ang election period noong Hulyo 16 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sinabi ni PNP chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., 12 ang naaresto na lumabag sa gun ban dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng seguridad.

Aniya, mahigpit ang koordinasyon ng PNP sa Commission on Elections (Comelec), Armed Forces of the Philippines at iba pang law enforcement agencies.

Nasa 9,463 mga pulis ang nai-deploy sa BARMM kabilang dito ang mga tauhan mula sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, National Support Units at iba pang Police Regional Offices.

Bumuo rin ng special electoral board upang agad matugunan ang anomang hindi inaasahang insidente.

Nakatakdang isagawa ang kauna-unahang parliamentary elections sa BARMM sa Setyembre 14 kung saan mahigit 400 kandidato ang lalaban para sa 86 posisyon.

(TOTO NABAJA)

61

Related posts

Leave a Comment