MANGINGISDA KINATAY NG TIYUHIN

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang mangingisda makaraang pagtatagain ng kanyang tiyuhin sa Sipalay City, Negros Occidental.

Kinilala ang biktimang si “Marijoe”, 44-anyos, habang ang suspek ay si “Roger”, 52-anyos, kapwa mangingisda ng Purok Calangcang, Brgy. 4, Sipalay City.

Ayon sa ulat ng Sipalay City Police Station, noong Lunes ng hapon, Agosto 3, habang nakaupo sa kanyang pumpboat ang biktima kasama ang kapatid at anak nang dumating ang suspek.

Bigla na lamang umanong sinaksak ng tiyuhin ang kanyang pamangkin sa likod at tiyan.

Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead on arrival.

Napag-alaman na dati nang may alitan ang magtiyuhin at sa isinagawang hot pursuit operation ng mga awtoridad ay agad naaresto ang suspek.

(TOTO NABAJA)

67

Related posts

Leave a Comment