KAAGAPAY SA KAUNLARAN Ni Jun Villarica
MGA kalalawigan at kasing-bayan, alam niyo ba na ang simpleng damo na paborito nating isahog sa tinola at litson manok ay may nakatagong “ginto” para sa ating kalusugan? Opo, ang tanglad o lemongrass ay hindi lang pampabango ng ulam, kundi isang powerhouse na halamang gamot na kayang-kayang puksain ang iba’t ibang karamdaman sa tiyan at katawan!
Sa katunayan, kung isasalin natin sa ating katutubong wika ang mga nakasulat sa mga medikal na libro, ang tanglad ay isang subok na halamang gamot para sa mga problema sa tiyan at bituka (gastrointestinal problems), sakit ng tiyan, pagtatae, kabag, pulikat ng bituka (bowel spasms), pagsusuka, lagnat, trangkaso, at sakit ng ulo. Napakagaling, ‘di ba? Isang simpleng halaman lang, pero ang daling remedyuhan ng mga karaniwang iniinda ng pamilyang Pilipino!
Para sa mga nagtatanong kung paano ang tamang dosis sa paggawa ng natural na tsaa, simple lang ang sikreto ayon sa gabay ng Hello Doctor Philippines: magpakulo lamang ng 1 hanggang 2 pirasong tangkay (hiniwa ng tig-1 hanggang 2 pulgada) o kaya ay 1 hanggang 3 kutsarita ng tuyong dahon sa isang tasa ng tubig. Pakuluan ito nang 5 hanggang 15 minuto, piliin ang sabaw, at inumin habang malamig-lamig o maligamgam. Para sa pangkalahatang kalusugan, ligtas at sapat na ang pag-inom ng isang tasa bawat araw upang maiwasan ang anomang side effects.
Paalala: Ugaliin pa ring magpakonsulta sa doktor para sa tamang medikal na diagnosis, lalo na kung kayo ay buntis o may iba pang iniinom na gamot.
56 