PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI pa man halos nakalilimutan ng mga motorista ang mga ginawang rehabilitasyon sa EDSA, heto na naman—may mga bahaging muling nababakbak matapos ang mga pag-ulan. Parang isang masamang biro: bilyun-bilyong piso ang ginagastos para sa imprastraktura, ngunit ilang ulan lamang ang lumipas at tila muling sumusuko ang kalsada. Kung ganito kabilis masira ang isang bagong ayos na daan, hindi ba karapat-dapat lamang na magtanong ang taumbayan: Ano ba talaga ang ipinagawa, at magkano ang tunay na halaga nito? Hindi naman bago ang dahilan na ginagamit…
Read MoreDay: August 12, 2026
KUNG NAGISING KA, BAKA IYON ANG PUNTO
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ALAS-DOS ng madaling araw. Mahimbing ang tulog mo. Walang istorbo, hanggang sa biglang umingay ang cellphone mo na parang may kailangang ipaalam na hindi pwedeng hintayin ang umaga. Emergency alert. Natural lang na magulat. Baka mapamura ka pa. Baka ang una mong isipin ay: “Ano ba naman ‘to, natutulog ang tao.” At iyon nga ang naging usapan online nitong kasagsagan ng malakas na ulan. May mga nagreklamo sa Threads tungkol sa lakas ng tunog ng NDRRMC emergency alerts. May nagbiro, may natawa, at may…
Read MoreMULTIMILLION USOK NG YOSI SA ADUANA
TAMBULI ni JESSE RUIZ HINDI pa rin napapawi ang usok ng multimillion kitaan sa Aduana, mga kabayan. Kunti na lang maaari na itong sumiklab na parang isang napakalaking apoy. Paano kasi may bagong bulong-bulungan matapos na pumutok ang inisyal na ulat sa atin. Nakarating na raw sa Palasyo ang kabalbalan nitong si “Direk CN” at Agent “Dobol P”. At dahil dito, moto proprio ay maaari na rin imbestigahan ito ng Office of the Ombudsman. Ang sumbong ay nag-ugat sa alegasyon at pagkakasangkot umano ng dalawang taong ito sa “extortion” para…
Read More2 PATAY, 1 SUGATAN SA PAMAMARIL NG PULIS
PATAY ang isang pulis at isang sibilyan habang ginagamot naman ang isa pang pulis matapos silang pagbabarilin ng kanilang kabaro kasunod ng mainitang pagtatalo sa parking area ng isang resort sa Maragondon, Cavite, Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang mga nasawi na sina PMSg Junmark Sisante, miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nakatalaga sa Magallanes Municipal Police Station at residente ng Magallanes, Cavite, at Arjay Mojica, residente rin ng Magallanes na umano’y bodyguard ng isang mayor. Inoobserbahan naman sa ospital si PCpl Louie Vidon Climacosa, nakatalaga sa Ternate Municipal…
Read More5 BATANG NALIGO SA BULACAN RIVER, NAWAWALA
PATULOY ang isinasagawang rescue operation ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRMMO) at City DRRMO ng City of San Jose Del Monte sa limang kabataang pinaniniwalaang nalunod at hindi pa rin makita matapos maligo sa Marilao River sakop ng Barangay Gaya Gaya, CSJDM, Bulacan noong hapon ng Agosto 10 sa kasagsagan ng pagbuhos ng malakas na pag-ulan dulot ng Habagat. Base sa paunang report, nasa 10 kabataan ang naligo sa nasabing ilog kung saan pinigilan at pinagbawalan ng barangay officials dahil delikado ang sitwasyon. Nabatid na bago…
Read More5,500 RUNNERS LUMAHOK SA BULACAN MARATHON
SA kabila ng malakas na ulan dulot ng Habagat, nanatiling matatag ang diwa ng hindi bababa sa 5,500 mananakbo mula sa buong Bulacan, na nagtipon sa SM Center Pulilan para sa Bulacan Marathon na ginanap noong Agosto 9. Inorganisa ng Team Malofit at Pairfect Fit, kasama ang SM Center Pulilan, bilang opisyal na lugar, pinagsama-sama ng kaganapan ang mga atleta at mahilig sa pagtakbo sa isang pangunahing pagpapakita ng bilis, kalusugan, at diwa ng komunidad. Ang pangunahing paligsahan sa pagtakbo ay nagtampok ng apat na kategorya ng karera—42K, 21K, 10K,…
Read MoreDIY FLOOD BARRIER SA NOVELETA, CAVITE HINANGAAN NG NETIZENS; KOMUNIDAD NILIGTAS SA BAHA
NAPANATILING ligtas sa mahigit anim na talampakang baha ang isang compound sa Barangay San Antonio 1, Noveleta, Cavite nitong Linggo, Agosto 9, dahil sa improvised flood barrier. Hinangaan ng netizens ang viral na “do-it-yourself” flood control ng residenteng si King Nazareth Dayao, na gumamit ng simpleng steel gate na nilagyan ng groove at foam o rubber gasket bilang harang sa tubig. Ayon sa mga eksperto, ang nasabing mekanismo ay kapareho ng konsepto ng water barrier na ginagamit sa mga palaisdaan upang kontrolin ang lebel ng tubig. Sa kabila ng tagumpay…
Read MoreKAPUNAN, FERRER NAGKAINITAN SA IKA-15 ARAW NG IMPEACHMENT TRIAL
UMINIT ang palitan ng salita sa pagitan ng depensa at prosecution sa ika-15 araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte matapos manawagan ng respeto si defense counsel Atty. Kristine Ferrer dahil sa mga side comment ni private prosecutor Atty. Lorna Kapunan. Naghain ng manifestation si Ferrer hinggil sa mga komento ni Kapunan habang isinasagawa ang cross-examination kay Commission on Audit (COA) State Auditor Xylene Del Campo. Ayon kay Ferrer, hindi angkop sa loob ng courtroom ang mga pahayag ni Kapunan gaya ng “I was about to spank…
Read MoreP8.375M HALAGA NG KETAMINE NA ITINAGO SA RABBIT FIGURINE, NASABAT NG BOC AT PDEA
NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Clark Inter-Agency Task Force Against Illegal Drugs (CRK-IATFAID), ang kargamentong naglalaman ng tinatayang 1,675 gramo ng hinihinalang ketamine na nagkakahalaga ng P8.375 milyon. Itinago ang hinihinalang ilegal na droga sa loob ng isang resin figurine ng kuneho na ipinadala mula France at idineklarang “Indoor Decorative Molded Polyresin Ornament.” Ayon sa BOC, natukoy ang kargamento matapos makatanggap ng derogatory information mula sa PDEA hinggil sa paparating na parsela. Isinailalim ang kargamento sa standard…
Read More