NAPANATILING ligtas sa mahigit anim na talampakang baha ang isang compound sa Barangay San Antonio 1, Noveleta, Cavite nitong Linggo, Agosto 9, dahil sa improvised flood barrier.
Hinangaan ng netizens ang viral na “do-it-yourself” flood control ng residenteng si King Nazareth Dayao, na gumamit ng simpleng steel gate na nilagyan ng groove at foam o rubber gasket bilang harang sa tubig.
Ayon sa mga eksperto, ang nasabing mekanismo ay kapareho ng konsepto ng water barrier na ginagamit sa mga palaisdaan upang kontrolin ang lebel ng tubig.
Sa kabila ng tagumpay ng praktikal at abot-kayang panangga sa baha, binigyang-diin ng mga residente na hindi sapat ang mga ganitong “DIY” solution. Patuloy anilang hinihintay ang pangmatagalang flood control measures na epektibong makapipigil sa paulit-ulit na pagbaha sa kanilang lugar.
(NILOU DEL CARMEN)
84 