RIDON IGINIIT NA EBIDENSYA HINDI PULITIKA MAGPAPASYA SA IMPEACHMENT CASE NI VP SARA

IGINIIT ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na ebidensya, at hindi pulitika, ang dapat maging batayan sa magiging desisyon sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Ito ang tugon ni Ridon, miyembro ng House Prosecution Panel, sa pahayag ni Davao City Rep. Paolo Duterte na mayroong “predetermined narrative” o nakatakda nang hatol sa impeachment trial ng bise presidente. “I don’t think it is accurate to even say na meron pong predetermined narrative. I think what is clear is, meron pong kanya-kanyang kuwento, meron pong kanyang paglalahad noong…

Read More

6 MOST WANTED, 155 BARIL HULI SA PNP SACLEO

ANIM na kabilang sa Most Wanted Persons (MWPs) ang nadakip, habang 155 iba’t ibang uri ng baril ang nasamsam sa tatlong araw na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Police Regional Office 1 (PRO 1) sa Ilocos Region. Ayon kay Police Regional Office 1 Director Brig. Gen. Jovencio S. Badua Jr., isinagawa ang operasyon mula Agosto 17 hanggang 19, 2026 sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan. Sa kabuuang 155 baril na nasamsam, apat ang nakuha sa target operations. Samantala, 42 wanted persons…

Read More

BAM AQUINO SA FLOOD CONTROL: DAPAT TOTOO TULAD SA MARIKINA AT NAVOTAS

NANINIWALA si Senador Bam Aquino na dapat pondohan ang mga totoong flood control project katulad ng sa Marikina City at Navotas City. Sa panayam ni Karen Davila sa programang Headstart, sinabi ni Aquino na sa budget hearing, bubusisiing maigi ng Senado kung magagamit ba sa tama ang mahigit P100 bilyon na unprogrammed funds sa 2027 national budget na posibleng mapunta sa flood control projects. “Ang mangyayari diyan, itong P100 billion na iyan, aaralin namin. Anong mga lugar iyan? What are these projects?” giit ni Aquino, sa pagsasabing dapat de-kalidad ang…

Read More

ANG PAGBABAGO SA BI JAIL

BISTADOR ni RUDY SIM TILA natapos din ang maliligayang araw ng mga tiwaling tauhan ng Bureau of Immigration na nakatalaga sa Warden Facility na siyang nangangasiwa sa mga dayuhang inmates na may kasong kinakaharap na nakapiit sa BI jail sa Camp Bagong Diwa at sa Bureau of Corrections ng Muntinlupa. Kung dati ay kaliwat kanang katiwalian ang ating natatanggap na sumbong mula sa pamilya at ilang inmates na nakakaranas noon ng kalupitan at kotongan ng mga tiwaling jail guard ay ngayon naman ay laking gulat natin na ibang sumbong naman…

Read More

PNP FINANCE SERVICE, WALANG INAPRUBAHANG ONE-MONTH MORATORIUM SA LOAN PAYMENT

NILINAW ng PNP Finance Service na wala itong inaprubahan o ipinatupad na one-month moratorium sa loan payments ng mga police personnel, kasunod ng kumakalat na impormasyon sa social media. Ayon sa Finance Service, hindi ito ang tanggapan na nag-aapruba o nagpo-proseso ng loan moratorium. Wala rin umano itong ipinataw, dineklara, inaprubahan o inilabas na naturang moratorium sa mga bangko, lending companies at iba pang financial institutions. Pinaalalahanan ng Finance Service ang mga pulis na ipagpatuloy ang pagbabayad sa kanilang mga obligasyon alinsunod sa kanilang loan agreements, maliban kung may opisyal…

Read More

TEODORO: CHINESE EMBASSY, MISTULANG PR FIRM NI TONY YANG

TINAWAG ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. na mistulang public relations firm ng negosyanteng si Tony Yang at ng iba pang ilegal na aktibidad na kinasasangkutan ng mga Chinese national sa bansa ang Chinese Embassy sa Pilipinas. Ayon kay Teodoro, malinaw mula sa mga pampublikong pahayag ng embahada nitong mga nakaraang araw na kino-cover up o pinagtatakpan nito si Yang. Kasabay nito, nanawagan ang kalihim sa publiko na kondenahin ang naturang hakbang ng embahada. Sinabi pa ni Teodoro na sa lahat ng embahada sa bansa ay ngayon lamang siya nakakita…

Read More

‘NENENG’ POSIBLENG BUMALIK BILANG BAGYO; 2 PANG LPA BINABANTAYAN NG PAGASA

MAY posibilidad na bumalik at muling maging tropical depression ang dating Tropical Storm Neneng na isa nang low pressure area (LPA) at kasalukuyang kumikilos palayo sa Pilipinas, ayon sa state weather bureau. Ayon sa update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ibinahagi ng Office of Civil Defense (OCD), alas-8 ng umaga nitong Agosto 21, ang LPA 08f, na dating “Neneng,” ay nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at may katamtamang posibilidad na muling maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.…

Read More