NILINAW ng PNP Finance Service na wala itong inaprubahan o ipinatupad na one-month moratorium sa loan payments ng mga police personnel, kasunod ng kumakalat na impormasyon sa social media.
Ayon sa Finance Service, hindi ito ang tanggapan na nag-aapruba o nagpo-proseso ng loan moratorium.
Wala rin umano itong ipinataw, dineklara, inaprubahan o inilabas na naturang moratorium sa mga bangko, lending companies at iba pang financial institutions.
Pinaalalahanan ng Finance Service ang mga pulis na ipagpatuloy ang pagbabayad sa kanilang mga obligasyon alinsunod sa kanilang loan agreements, maliban kung may opisyal na abiso mula sa kanilang financial institution o sa kinauukulang awtoridad.
Hinimok din nito ang mga police personnel na umasa lamang sa impormasyong nagmumula sa official channels ng Philippine National Police (PNP) upang maiwasang mabiktima ng maling impormasyon.
(TOTO NABAJA)
95 