KUMPANYA AT 14 INDIBIDWAL NA SANGKOT SA MISDECLARED AGRI PRODUCTS, KINASUHAN NG BOC!

TARGET ni KA REX CAYANONG MAHALAGA ang ginawang hakbang ng Bureau of Customs (BOC) sa pagsasampa ng mga reklamo sa Department of Justice (DOJ) laban sa 14 na indibidwal kaugnay ng umano’y misdeclared agricultural products. Hindi maliit na usapin ang ganitong kaso. Malaking halaga ng mga produktong agrikultura ang sangkot at maaari itong makaapekto sa patas na kalakalan at sa mga lehitimong negosyante. Ayon sa BOC, anim na shipments ang idineklarang “chicken lollipops,” ngunit sa inspeksyon ay natuklasang naglalaman ang mga ito ng 15,029 sako ng fresh white onions at…

Read More

HABAGAT POSIBLENG PALAKASIN NG BAGYONG QUEENIE

BINABANTAYAN ngayon ng mga awtoridad ang posibleng epekto ng Tropical Storm “Queenie,” na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at maaaring magpalakas sa mga pag-ulang nararanasan dahil sa habagat at mga thunderstorm. Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), batay sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), pumasok sa PAR ang bagyo bandang alas-7 ng umaga nitong Huwebes. Ang bagyo, na may international name na “Surigae,” ay binigyan ng lokal na pangalang “Queenie” at ika-17 tropical cyclone na pumasok sa PAR ngayong taon. Batay sa…

Read More

2 SUNDALO PATAY SA AMBUSH SA MAGUINDANAO

PATAY ang dalawang sundalo makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte. Ayon sa ulat, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawang sundalo noong Miyerkoles dakong alas-6:10 ng gabi. Pagsapit sa Davao-Cotabato National Highway sa Barangay Ladia ay pinagbabaril ang mga biktima ng riding in tandem na sakay ng puting motorsiklo. Kaagad silang isinugod sa Cotabato Regional and Medical Center subalit idineklarang dead on arrival. Ang mga biktima ay may ranggong Private First Class at kapwa miyembro ng 7th Infantry Battalion ng 6th Infantry Division ng Philippine Army. Nakuha naman…

Read More

4 HOLDAPER NG CONVENIENCE STORE TIKLO SA HOTEL

APAT na hinihinalang miyembro ng isang robbery group, kabilang ang isang AWOL na sundalo, ang naaresto sa isang hotel sa Catanauan, Quezon nitong madaling araw ng Huwebes, Setyembre 24. Ayon sa Catanauan Police Station, dakong alas-3:40 ng madaling araw nang matanggap nila ang sumbong mula sa isang concerned citizen hinggil sa kahina-hinalang grupo ng mga lalaki sa isang hotel sa Barangay 8, at isa umano sa mga ito ang may dalang long firearm. Agad nagtungo sa hotel ang intelligence personnel ng Catanauan police at nakumpirmang may mga armadong lalaki nga…

Read More

PNP GAGAMIT NG RAPID ALERT SYSTEM SA MGA PAARALAN

PINAG-AARALAN ng Philippine National Police (PNP) ang nationwide adoption ng rapid alert system upang mapabilis ang pag-uulat at pagtugon sa mga emergency sa mga paaralan, kasunod ng mga naitalang insidente ng karahasan sa loob ng ilang paaralan. Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., pinag-aaralan ng pambansang pulisya ang institutionalization ng “Build Partnership. Early Detection. Swift Alert. Tactical Response” (B.E.S.T.) School Alert and Rapid Response System. “We are exploring the institutionalization of this rapid response system to further help us identify and respond to threats in schools, as…

Read More

GIBO SA MGA NAGTATANGGOL SA CHINA: UNACCEPTABLE AND TREACHEROUS!

TINAWAG ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. na “unacceptable” at “treacherous” ang pagtatanggol ng ilang Pilipino sa agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay DND Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr., hindi katanggap-tanggap at maituturing na pagtataksil sa Republika ng Pilipinas ang pagkampi o pagbibigay-katwiran sa umano’y harassment ng China sa mga barko ng Pilipinas sa WPS. Kasunod ito ng insidenteng kinasangkutan ng China Coast Guard (CCG) vessel 21585 at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) vessel BRP Datu Magat…

Read More

2 KONEKTADO SA SCHOOL SHOOTING SA SOUTH COTABATO, ARESTADO

KINUMPIRMA ng National Bureau of Investigation (NBI) na dalawang indibidwal na konektado sa magkakasunod na insidente ng school shooting ang kanilang naaresto, kabilang ang isang hinihinalang “groomer” na umano’y nang-eengganyo sa mga bata na gumawa ng karahasan. Sa pagdinig sa panukalang budget, sinabi ni NBI Director Atty. Melvin Matibag na isang indibidwal na konektado sa shooting incident sa isang paaralan sa South Cotabato ang nasakote ng kanilang mga tauhan. Kinumpirma rin ni Atty. Matibag na naaresto sa Cebu ang isang hinihinalang groomer na umano’y nanghihikayat sa mga bata na gumawa…

Read More

DSWD: WALANG RED TAPE, PAMUMULITIKA SA MGA PROGRAMA

PINAGTIBAY ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pangako nitong maghatid ng mabilis, mahusay at malinaw na serbisyo sa mahihinang Pilipino na nangangailangan ng tulong sa panahon ng krisis. Ayon kay DSWD Assistant Secretary at tagapagsalita ng ahensya Irene Dumlao, patuloy na nagpapatupad ang DSWD ng mga proactive na hakbang upang gawing mas mabilis at accessible ang mga programa nito, kabilang ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Sinabi ni Assistant Secretary Irene Dumlao nitong Miyerkoles, Setyembre 23, na sa ilalim ng pamumuno ni DSWD Secretary Rex…

Read More

CONFIDENTIAL FUNDS NG DOJ, HINILING NA IBALIK SA 2026 LEVEL

HINILING ng Department of Justice (DOJ) sa Senado na ibalik sa 2026 level ang confidential funds ng ahensya upang hindi maapektuhan ang mga operasyon nito sa 2027. Sa budget hearing ng Senado nitong Huwebes, sinabi ni Justice Secretary Fredderick A. Vida na nais ng DOJ na mapanatili ang humigit-kumulang ₱1.1 bilyong confidential funds ngayong taon sa halip na ang nakatakdang humigit-kumulang ₱579.4 milyon para sa 2027. “Ang amin pong hiling sana maibalik man lang yung 2026 level para hindi maapektuhan nang malaki ang aming mga operasyon,” pahayag ni Vida. Ayon…

Read More