HINIMOK ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang mga pamahalaan at parlamento sa Timog-Silangang Asya na palalimin ang kooperasyon sa digital trade at palakasin ang mga pananggalang sa paggamit ng artificial intelligence (AI) upang mapanatili ang paglago ng ekonomiya sa rehiyon. Ginawa ni Dy ang panawagan nitong Linggo sa ika-15 ASEAN–ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) Leaders’ Interface na idinaos sa Philippine International Convention Center sa Maynila, kasabay ng 49th ASEAN Summit. Bilang pangulo ng AIPA, hinimok niya ang mga lider ng ASEAN na ipagpatuloy ang positibong resulta ng pagtatapos…
Read MoreDay: November 16, 2026
BAGONG HEPE NG CUSTOMS, BAGONG PAG-ASA O LUMANG KALAKARAN PA RIN?
PUNA ni JOEL O. AMONGO MULING nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamunuan ng dalawang pangunahing ahensiya ng gobyerno na nangangasiwa sa pangongolekta ng buwis. Itinalaga si Atty. Charlito Martin Mendoza bilang bagong Commissioner ng Bureau of Customs (BOC), kapalit ni Ariel Nepomuceno na inilipat naman bilang pinuno ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA). Samantala, si Rolando T. Ligon Jr. naman ang pumalit kay Mendoza bilang bagong Commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ang pagbabago sa pamunuan ay bahagi ng malawakang reshuffle sa ilalim ng administrasyong Marcos, kung saan…
Read MorePILIPINAS SA GITNA NG STAGFLATION: HANGGANG KAILAN MAGTITIIS ANG MGA PILIPINO?
At Your Service ni KA FRANCIS ISANG nakababahalang babala ang inilabas ni Prof. Emmanuel Leyco, isang ekonomista, pangulo at punong ekonomista ng Credit Rating and Investors Services Philippines Inc., hinggil sa kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas. Ayon sa kanya, napakalapit na ng bansa sa tinatawag na stagflation, isang sitwasyong pinagsasabay ang mabagal o halos hindi umuunlad na ekonomiya, patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at mataas na kawalan ng trabaho. Hindi na lamang ito usapin ng mga numero at estadistika na inilalabas ng pamahalaan, kundi isang reyalidad na…
Read MorePNP MULING UMAPELA SA MGA RALIYISTA NA HUWAG GULUHIN ASEAN SUMMIT
MULING nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa mga raliyista mula sa iba’t ibang sektor na huwag makipagsabayan sa idinaraos na 49th ASEAN Summit at iwasang makagambala sa mga aktibidad na kaugnay nito. Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., mahalagang mabigyan ng maayos na seguridad ang mga dumadalong pinuno ng estado, kinatawan ng iba’t ibang bansa at maging ang publiko habang nagsisilbing host ang Pilipinas sa mahalagang pagtitipon. “Hindi po ugali ng mga Pilipino ang mambastos at ilagay sa alanganin ang seguridad ng ating mga bisita,” pahayag…
Read MoreTEODORO TIWALANG TUTUPAD ANG US SA MDT KAPAG LUMALA TUNGGALIAN
KUMPIYANSA si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na tutuparin ng Estados Unidos ang obligasyon nitong tulungan ang Pilipinas sa ilalim ng Mutual Defense Treaty (MDT) sakaling lumala ang tensiyon at mauwi sa armadong komprontasyon. Sa ginanap na Manila Dialogue on the South China Sea sa Parañaque City, sinabi ni Teodoro na wala siyang dahilan upang pagdudahan ang paninindigan ng Washington na suportahan ang matagal nitong kaalyado. Nang tanungin kung maaasahan ng Pilipinas ang Estados Unidos sakaling magkaroon ng komprontasyon, diretsahang sumagot ang kalihim. “Wala akong dahilan upang magduda, kaya ang…
Read More15 PULIS, SUGATAN SA MGA KAGULUHAN SA ASEAN PROTEST
UMABOT sa 15 pulis ang nasugatan sa unang bugso pa lamang ng mga kilos-protesta kaugnay ng 49th ASEAN Leaders Summit. Ayon sa Philippine National Police (PNP), nasugatan ang mga pulis sa magkakahiwalay na girian sa pagitan ng mga demonstrador at kapulisan sa Liwasang Bonifacio sa Maynila. Walong raliyista ang inaresto sa Maynila habang isang menor de edad ang na-rescue. Bukod dito, 211 katao naman ang naaresto at 20 menor de edad ang na-rescue sa isinagawang anti-Pax Silica march sa Muntinlupa City. Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Allen Rae Co, itutuloy…
Read More